Saturday , April 27 2024

Movie nina Vic at Ai Ai, tiyak na raw na mangunguna

091815 aldub vic aiai
HINDI maiwasang pagtalunan kung alin sa pelikula nina Vic Sotto-Ai Ai delas Alas (My Pabebe Love); Kris Aquino-Derek Ramsay (All You Need is Pag-ibig); at Vice Ganda-Coco Martin (Beauty and the Bestie) ang mangunguna sa Metro Manila Filmfest this December?

Marami ang nagsasabing tiyak na raw na magna-number 1 sa takilya ang movie nina Vic at Ai Ai dahil kasama sa cast ang sensational loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang AlDub daw kasi ang magdadala ng pelikula kaya tatabo ito sa takilya.

“Huwag natin maliitin ang ginawa nina Vic at Ai Ai kasi for one, hindi naman ako makapapayag na ang magdadala kina Vic at Ai Ai ay ang AlDub. Mas naniniwala ako kaya inilagay ang AlDub dahil makatutulong sila sa pelikula. Definitely, hindi sila ang magdadala sa pelikula dahil ‘yung Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, gawin muna nila kahit kalahati ng na-achieve ng dalawang ‘yan sa industriyang ito bago ako maniwala. Mas naniniwala pa rin ako sa maiaambag ng dalawang hari at reyna ng ating industriya,” paliwanag ng isang star maker.

Kahit hindi magsalita si Vic, very confident ito na ang pelikula nila ni Ai Ai ang magna-number 1. Susuportahan ng AlDub fans ang pelikula dahil nasa cast ang kanilang idolo. Marami raw eksenang pakikiligin nina Alden at Maine ang manonood.

 
ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *