Friday , April 26 2024

Derek, tinanggihan si Claudine sa TV5 serye

111516 CLAUDINE DEREK

00 fact sheet reggeeTIYAK na malulungkot ang fans ni Claudine Barretto dahil hindi ito sa ABS-CBN gagawa ng teleserye kundi sa TV5.

Kung hindi magbabago ang plano ay sa Nobyembre 16, Lunes may meeting si Claudine sa TV5 kasama ang manager niyang si boss Vic del Rosario na siya ring magpo-produce ng programa niya bilang bagong content provider ng nasabing TV network.

Wala naman daw kasing offer ang ABS-CBN na serye kay Claudine kaya siguro habang sariwa pa sa tao ang success ng Etiquette For A Mistresses na nagmarka ang aktres sa papel nitong si Chloe Zamora ay sasamantalahin ng Viva na bigyan siya ng teleserye

Nabanggit din sa amin ng aming source na si Derek Ramsay ang gusto ni boss Vic na leading man ni Claudine pero mukhang busy ang aktor dahil tinanggihan niya ito.

As of now ay wala pang napipiling leading man si Claudine dahil pawang mga bagets aktor ang nasa TV5.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *