Friday , April 26 2024

Dibdib ng bebot minasa ng panadero

SWAK sa kulungan ang isang panadero makaraang lamutakin at lamasin ang dibdib ng isang 26-anyos babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City   kamakalawa ng hapon. 

Kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek na si Ariel Calaparo, 35, ng 149 Milagrosa St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng isang kaibigan ni Calaparo sa Petra St., Brgy. 153 sa nasabing lugar.

Pagkaraan ay isinalaysay ng biktima sa kanyang 62-anyos ina ang ginawa ng suspek.

Agad inireklamo sa pulisya ng ina ang insidente na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Dinaliri si nene manyak tiklo

KULONG ang isang manyakis na vendor makaraang dalir iin ang 5-anyos paslit na napadaan sa grupo ng mga nag-iinoman sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Domingo Lecada, 49, ng Lot 10, Block 32, Kapak St., Brgy. 12, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse).

Batay sa ulat ni SPO1 Gigi De Jesus, ng  Women and Children’s Protection Desk, naganap ang insidente dakong 1 p.m. sa harap ng bahay ng biktima.

Naglalaro ang biktima nang mapadaan siya sa grupo ng mga nag-iinoman.

Tinawag ng suspek ang paslit at biglang dinaliri na ikinabigla ng biktima kaya mabilis na tumakbo at nagsumbong sa ina.

Agad humingi ng tulong sa barangay ang ina ng biktima dahilan upang maaresto ang suspek.

About Rommel Sales

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *