Monday , June 9 2025

Products na ine-endorse at ginagamit ni Maine, sold-out!

101215 yaya dub maine mendoza

00 SHOWBIZ ms mHAWAK na raw ni Maine Mendoza aka Yaya Dub ang korona bilang Top Endorser sa ngayon dahil sunod-sunod ang mga produktong ineendoso at kinukuha siyang endorser.

Sa loob lang kasi ng dalawang buwan, ilang produkto na nga ba ang kumuha sa kanya o sa kanila ni Alden Richards para gawing endorser?

Nariyan na ang McDo, O+ Mobile phone, Talk ‘N Text, 555 Sardines, at marami pa raw na mga susunod pa. At kung tama ang dinig naming ay mga apat o lima pa raw na produkto iyon. Wow! Grabe na talaga si Maine ha!

Bukod sa rami ng endorsement, nabalita ring sold-out ang mobile phone na ineendoso niya kasama si Wally Bayola bilang si Lola Nidora. Ayon sa balita, inihayag ng O+ Ultra phone company na ang kanilang mobile phone ay sold out na sa pamamagitan ng kanilang Instagram post.

“Due to insistent public demand, we are proud to announce that O+ Ultra is now out of stock! Thank you for allthe support and ot to worry for those who don’t have O+ Ultra phones yet because new stocks are coming next week! As Yaya Dub said, #MerongForever! #2DayBatteryLife #OplusUltra #ThankYou.”

Bukod sa mga endorsement, malakas din daw ang benta o sold-out din daw ang lipstick na ginagamit ni Maine. Ito raw ‘yung MAC’s Ruby Woo lippe na naging mabenta sa 14 brand counters. Ang naturang lipstick daw kasi ang ginamit ni Yaya Dub sa isa niyang commercial na siyang binanggit ng makeup artist niyang siKrist Bansuelo.

Sa mga pangyayaring ito, hindi malayong maging next queen of TVC at EDSA billboard na si Maine dahil marami pang commercial ang gagawin nito kasama si Alden. Congrats!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fyang Smith at Jarren Garcia JM Ibarra Death Threat

Ogie sa Star Magic: sampolan naglabas ng death threat

MA at PAni Rommel Placente KUMALAT sa social media ang Facebook post ng isang fan nina Fyang Smith at Jarren …

Aiko Melendez Candy Pangilinan

Aiko kay Candy: Hindi na ako mawawala, welcome back to my life

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS ng almost two years na hindi pagkakaunawaan, nagkaayos na …

Alex Castro Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Bulacan VG Alex Castro, sumuporta kina Maja Salvador at Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice-Governor Alex Castro sa big winners sa …

Nadine Lustre AquaFlask-Be Pawsitive Run

Nadine muling tatakbo para sa mga pusa at aso

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagmamahal sa kalikasan, ang pagmamahal naman sa mga hayop lalo …

Ara Mina Cristine Reyes

Ara mas naging blooming kahit talunan sa eleksiyon

MA at PAni Rommel Placente KAHIT hindi pinalad manalo nitong nakaraang eleksiyon na tumakbong konsehal …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *