Friday , April 26 2024

Konsintidor si Mar

EDITORIAL logoKUNG talagang labag sa prinsipyo ng Liberal Party (LP) ang pagyurak sa karapatan at dignidad ng mga kababaihan, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin napaparusahan sa mga nagpakana ng “lewd show” sa oath taking ng mga bagong miyembro ng partido sa lalawigan ng Laguna?

Ang oath taking ay kasabay din ng birthday party ni Rep.  Benjie Agarao, na ilang seksing mga kababaihan ay nagsayaw sa harap ng mga miyembro ng LP, at isa sa mga dancer ay kumuha ng lalaki, pinaakyat sa entablado, pinahiga at saka kinabayo na parang nagse-sex.

Sa kabila nito, walang konkretong aksyon na ginawa ang presidential bet ng LP na si Mar Roxas.  Paiimbestigahan at kinokondena raw niya ang mga pangyayari.  E, bakit wala man lamang paumanhin na nabanggit si Roxas?

Para patunayan ni Roxas na wala siyang pinagtatakpan sa kanilang partido, dapat ay mabilis niyang sinibak sina MMDA Chairman Francis Tolentino at Agarao.  Kung talagang naniniwala siya sa sinasabing prinsipyo ng LP, dapat ay naparusahan na kaagad ang mga sangkot dito.

Pinaniniwalaang si Tolentino ang nagbitbit ng mga sexy dancers sa nasabing okasyon ni Agarao.

Ang problema kay Roxas, puro paikot na mga salita ang kanyang mga pahayag.  Hindi pa ba sapat ang mala-torong show na kitang-kita sa video na kumalat sa social media na ginawa sa oath taking ng mga bagong miyembro ng LP?

Ito ba ang tuwid na daan o tuwad na daan ni Roxas?

About Hataw News Team

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *