Friday , April 26 2024

Bela Padilla, natutulala sa galing ni Coco Martin!

093015 bela padilla coco martin

00 Alam mo na NonieSOBRANG thankful ni Bela Padilla sa sunod-sunod na projects niya ngayon. Sa pelikula, katatapos lang niya ang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Ginagawa na rin niya sa kasalukuyan ang Tomodachi na tinatampukan naman nina Jacky Woo at Eddie Garcia.

Sa telebisyon naman, nagsimula nang mapapanood ang Ang Probinsiyano sa ABS CBN na tinatampukan ni Coco Martin. Nabanggit ni Bela kung anong klaseng katrabaho si Coco.

“Masarap siyang katrabaho, siguro dahil alam naman nating lahat na mahusay siya, ang sarap niyang panoorin. Minsan sa eksena ang nagyayari, napapanood ko na lang siya. So ikaw bilang artista, macha-challenge ka rin. Kaya kailangan lagi kang ready. You should be always alert and aware sa karakter mo, sa eksena mo, para hindi ka napag-iiwanan.

“Oo, napapatulala ako sa galing ni Coco and nakakatuwa, kasi yung galing niya ay hindi niya sinasarili. Tutulungan ka niya para ma-achieve mo rin, tutulungan ka niya para gumaling ka rin. Para siguro, makasabay o makapantay ka.

“So, naa-appreciate ko iyon. Sobrang thankful ako na sa unang project ko sa ABS CBN, siya yung nakatrabaho ko. Kasi, magaling siyang mag-alaga sa co-actors.”

May pressure ba na katrabaho ang isang Coco Martin?

Tugon ni Bela, “Siyempre po mayroong certain level of pressure, hindi galing sa kanila, pero more of galing sa sarili ko. Na, I really wannna do well. Kasi, yun nga, unang-una pinagkatiwalaan ka ng magandang proyekto. May mga tao na naglagay sa akin dito, may mga tao na naniwala sa akin. So, ayaw ko silang mabigo.

“So yung pressure is more of from myself, na I wanna do well, not from them.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *