Friday , April 26 2024

Ang Probinsiyano, naka-46.1% agad sa pilot episode

051915 coco martin FPJ

00 fact sheet reggeeANG saya-saya ng buong cast at production team ng Ang Probinsyano kahapon nang malaman nila ang ratings ng pilot episode na kumabig sa 46.1% kompara sa katapat nitong programa sa GMA 7 na 16% ang nakuha.

Hindi naman kami magtataka kung umabot sa 46.1% ang ratings ng Ang Probinsiyano dahhil habang umeere ito noong Lunes ay marami ang nag-text sa amin na pinupuri nga nila ang aksiyon serye ni Coco Martin na naging dahilan para mag-lowbat kami (kasi hindi rin kami nakapag-charge) habang binabaybay ang Maynila.

Kahapon ng umaga namin nasagot ang mga nagte-text at sabi namin na mas kaabang-abang pa ang ikalawang linggo dahil malalaman na buhay pa pala si Ador (pulis-Maynilang napatay), pero ang totoo, si Kardo (sundalong probinsiyano) na ang nagpanggap.

Puring-puri ni Direk Malu Sevilla si Coco dahil sa apat na beses nilang magkatrabaho ay mas marami pa raw ipinapakita ang akor.

At inamin din ng direktor na nahirapan siya sa Ang Probinsyano na hindi rin naman nalalayo sa Juan de la Cruz.

“Magkaiba ang ‘Juan de la Cruz’ at itong ‘Probinsyano’, parehong aksiyon, pareho in that aspect.

“Ito kasing ‘Probinsyano’, hindi lang aksiyon, it’s not just a police story, it’s a family story, it’s a hero story and most of all, it’s a tribute to the King (Fernando Poe, Jr), so ‘yung pressure talagang nandoon talaga,” paliwanag ni direk Malu.

Dagdag pa tungkol sa acting ni Coco, “ang dami naming ina-adjust pa with consideration to how he was before and ano ‘yung ipakikita sa films. Ang dami naming iiwasan, kasi iba ang TV acting sa film acting, so marami talaga.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *