Friday , April 26 2024

Vice Gov. Fernando, Outstanding Local Legislator of 2015 awardee

092215 daniel f

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinanggi ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na mahirap pagsabayin ang pag-aartista at pagiging public servant. Pero hindi naman iyon nangangahulugang tuluyan na niyang iiwan ang showbiz.

Kaya naman kapag may time siya, talagang gumagawa pa rin siya ng pelikula o teleserye. Pero matagal-tagal na rin siyang hindi napapanood. Apinakahuli niyang nagawa ay ang Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN. May mga teleserye at pelikula raw sana siyang gagawin subalit hindi natutuloy dahil siyempre nga naman ay mas inuuna niya ang panunungkulan at pagsisilbi sa kanyang mga constituent.

Pero, naroon pa rin ang pagnanais niyang makagawa ng proyekto sa showbiz. “Hindi ko intensiyon na iwan ang showbiz. Nagkataon lang, na dinala rin ako ng kapalaran ko na mapunta sa ganitong panunungkulan. Bata pa ako ay pangarap ko rin naman ito, kaya isang malaking pasasalamat na nabigyan ako ng pagkakataon na pagkatiwalaan,” aniya.

“Ito ngayon ang isang nagpapasaya sa akin. Kung masarap ang pakiramdam na sa showbiz ay binibigyan ka ng pagkilala dahil mayroon kang ginawang maganda, ganoon din naman ngayon kung nasaang larangan ako. Kaya nakatataba ng puso ‘yung mabigyan ka ng pagkilala, dahil okey ang ginawa mo. Parang ito ang kapalit, na dahil naisasakripisyo ko ang showbiz , kaya may magagandang resulta naman ang ginagawa kong paglilingkod sa aking mga Kababayan sa Bulacan,” aniya na katatapos lamang niyang parangalan ng Superbrand Marketing International Inc., (SMI) bilang Outstanding Local Legislator of 2015.

Kasabay niyang binigyang parangal sina Vice Govs. Ramon “Jolo” Revilla, III ng Cavite, Jose Antonio “Marc” Leviste II ng Batangas, at Allen Jesse “Sonny” Mangaoang ng Kalinga.

Bale ito ang ikalaang pagkakataong pinarangalan si Fernando dahil sa kanyang  programa at proyekto tulad ng Damayang Filipino Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo Livelihood Program,  Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Alay ng Bulakenyo, Damayang Filipino Computer on Wheels, Call Center Training Program and  Medical Mission and Feeding Projects sa Bulacan.

“We celebrate the significance of the Local legislators and award them for their hardwork and dedication in managing the country from the ground up,” sambit ni SMI President at Chief Executive Officer Harry Tambuatco.

Tuwang-tuwa naman si Fernando sa parangal na natanggap niya at inialay niya ito sa mga kapwa niya Bulakenyo. Aniya, isa na naman itong inspirasyon para ipagpatuloy ang trabaho at pagsisilbi sa mga minamahal niyang taga-Bulacan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *