Saturday , April 27 2024

Mas orig daw na trapo si Serg

poe osmenaKung trapo rin lang ang pag-uusapan, si Sen. Serg Osmena na marahil ang pinakatrapong politiko sa kasalukuyan. To-the-max na maituturing na traditional politican si Serg dahil kung titingnan mabuti ang kanyang political background, tiyak na mawiwindang kayo.      

Unang pumalaot sa politika si Serg sa ilalim ng partidong NUCD-UMDP, pero hindi nakontento,  lumipat sa Lakas-Laban.  Hindi nagtagal, nagpunta sa LP at sa kalaunan ay nagtungo naman sa PDP-Laban.

Hindi lang trapo, original na balingbing pa si Serg. Para kay Serg, basta magsisilbi sa kanyang interes, gagawin niyang mag-oberdabakod ng partido kesehodang meron siyang masagasaaan.

Walang pakialam si Serg sa sasabihin ng publiko, basta paborable sa kanyang political career ang kanyang gagawin. 

Ang isang malaking palaisipan din sa ngayon, kung bakit galit na galit si Serg kay Sen. Chiz Escudero.

Ang plano bang pagtakbo bilang vice pre-sident  ni Chiz ang dahilan kung bakit nagagalit si Serg?

Hindi kaya inggit ang dahilan kaya nag-aalboroto ngaon si Serg? 

Matatandaang bukod kay Chiz, si Serg ay supporter din ni Sen. Grace Poe noong nakaraang senatorial elections.

Ibig lang sabihin nito, kulang ba sa pansin si Serg?

Kahit konting pagtingin… 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *