Friday , April 26 2024

Malampaya fund may natitira pang P167-B — DoE

INIHAYAG ni Department of Energy (DoE) OIC Zenaida Monsada, may natitira pang P167.2 bilyon sa Malampaya funds sa kasalukuyan.

Sa pagtatanong ng mga kongresista, inihayag ni Monsada na bawas na sa balanseng ito ang settlement ng tax defficiency.

Ngunit sa kabuuan, mula noong Enero 2002 hanggang nitong Marso 2015 ay umabot na sa P213.2 bilyon ang royalties na nakolekta ng gobyerno mula sa Malampaya natural gas project.

Sa halagang ito, P43.7 bilyon na ang nagastos hanggang noong 2013 samantala walang disbursement sa Malampaya funds noong 2014 hanggang ngayong 2015.

Sinabi ng DoE, huling nagkaroon ng disbursement dito noong taon 2013.

Marami ang kumuwestyon sa mga pinagkagastusan noon ng pondo dahil walang koneksiyon sa energy development projects labag sa itinatakda ng batas.

Samantala, inihayag din ni Monsada na umabot ng P7 bilyon ang nakolekta ng Meralco sa consumers nito mula sa pinakamataas na power rate hike nito noong bago magtapos ang 2013 o bago na-TRO ng Korte Suprema.

About Hataw News Team

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *