Saturday , April 27 2024

Blatche sa FIBA Asia na maglalaro sa Gilas

063015 gilas pilipinas andray blatche
TULUYANG sumarado na ang pinto kay Andray Blatche sa kanyang paglalaro sa Gilas Pilipinas sa huli nitong asignatura sa ika-37 na Jones Cup kontra Chinese Taipei B mamayang ala-una ng hapon sa Taipei, Taiwan.

Ayon kay Gilas coach Tab Baldwin, napilitan si Blatche na i-rebook ang kanyang paglipad sa Taipei para makasama niya ang kanyang ina kaya late na rin siyang darating  sa Taipei at hindi na makakalaro.

Pagdating ni Blatche sa Taiwan ay makakasama niya ang iba pang mga miyembro ng Gilas sa kaunting salu-salo bago sila makabalik sa Pilipinas.

Matatandaan na napilitan si Blatche na lumipad pabalik sa Amerika pagkatapos na mamatay ang kanyang tiyuhin.

Sa ngayon ay wala pa sa kondisyon si Blatche dahil nadagdagan  siya ng timbang bago ang mga unang ensayo ng Gilas sa Maynila.

Pagbalik ng Gilas sa Pilipinas ay magpapahinga muna ang tropa ni Baldwin bago sila sumabak sa MVP Cup mula Setyembre 11 hanggang 13 sa Smart Araneta Coliseum.  (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *