Friday , April 26 2024

Dennis, mas pinahahalagahan ang personal life

082415 dennis trillo

NANG mainterbyu namin si Dennis Trillo sabi niya, mas naging maunawain siya at mas malawak ngayon ang pasensiya sa mga bagay-bagay. Lalo nitong binibigyang halaga ang mga ginagawa niya. Super thankful ang actor sa lahat ng blessing na dumarating sa kanya.

Sa ngayon binibigyang halaga ni Dennis ang kanyang personal life. Kung lovelife ang pag-uusapan, nasa 10 ang rating niya. ”Siguro dahil maraming magagandang nangyari. Sa takbo ng career ko, sa nangyayari sa buhay ko, lovelife lahat-lahat na masaya. Wala na akong mahihiling pang iba,” say ng magaling na actor.

Pakiramdam namin para nagkabalikan na sila ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

AYAW MA-PRESSURE KAYA HINDI PA NAG-AASAWA

Inamin ni Dennis na love is lovelier the second time around. ”Oo, masasabi ko ‘yun. Ganoon talaga, nangyayari talaga ‘yun. Ngayon masasabi ko, love is lovelier the second time around.”

Sa totoo lang, puwede ng mag-asawa si Dennis. Nasa tamang edad na ito para bumuo ng sarili niyang pamilya.”Ayaw kong napi-pressure kapag dumating ka sa ganitong edad. Para sa akin, wala akong finish line na hinahabol. Hindi ako naka-time trial, relax lang ako. Kung kailan maramdaman, kung kailan dapat gawin ‘yun. Sa ngayon mas focus ako sa trabaho at pag-aalaga sa pamilya ko,”paliwanag niya.

Katatapos lang ng bagong bahay na ipinagawa niya. Nilinaw niya na hindi ‘yun ang para sa magiging family nito in the near future. ”Ah, para sa pamilya po ‘yun. Lilipat ko lang sila sa mas tahimik na lugar. Unti-unti naglilipat na, mayroon lang kaming sinusunod na feng- shui.”

BAHAY PARA SA PAMILYA

May plano rin si Dennis magpagawa ng bahay para sa magiging future wife niya. ”Eventually, susunod din po ‘yun. Bahala na kung kailangan na.”

Ayon kay Dennis, nagkaroon siya ng experience na in love at nasaktan in the name of love. ”Oo naman, nangyayari talaga ‘yun kahit ano… nangyari sa akin ‘yun. Bata pa kasi ako noon, inisip ko na lang, lesson ito para sa akin para magtanda ako sa ganitong pangyayari. So, ‘yung negative na pangyayari ‘yun i-convert ko na lang sa positive energy para makatulong sa akin bilang tao at hindi makabagal sa pag-unlad. Isang beses lang nangyari ‘yun. ‘Yung the rest okay naman lahat dahil natuto na.”

Sa bagong drama series nina Dennis at Jennylyn kapansin-pansin ang mainit nilang yakapan. Hindi itinanggi ng actor na may kaba  siyang naramdaman nang gawin nila ‘yun.”Siyempre matagal na hindi kami nakatrabaho, hindi kami nakagawa ng ganoong klaseng eksena, nakaka-miss din. Mainit dahil mainit din ang panahon, nagyakapan kami mas mainit talaga. Hahaha! kaso mo nga, ang daming tao.”

Mas relax ngayon si Dennis na katrabaho muli niya si Jennlyn dahil nanumbalik ang pagmamahal niya sa dalagang ina. ”Siyempre, mas relax, masaya. Kapag masaya ka susunod na rin ‘yung pagiging relax ninyo pareho. Pero may kaunting nerbiyos sa umpisa, ganoon talaga. Matagal mong hindi nagawa ‘yung isang bagay so gagawin mo uli medyo kakabahan ka. Si Direk Joyce Bernal gusto niya nagmi-meeting muna bago gawin ang eksena. Pinag-uusapan talaga namin before the take.”

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

About Eddie Littlefield

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *