Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / It’s Final…Ate Vi, No for VP!

It’s Final…Ate Vi, No for VP!

063015 vilma santos

00 SHOWBIZ ms mHINDI kami napigil ng ulan at sobrang trapik para mabisita si Vilma Santos sa shooting ng pinakabago niyang pelikula with Angel Locsin,  kasama din si Xian Lim at idinidirehe ni Bb. Joyce Bernal. Matagal-tagal din bago muling gumawa ng movie si Ate Vi, kaya naman kitang-kita ang excitement niya sa proyektong ito.

“This one is medyo ibang-iba kaya interesado ako na gawin ang pelikulang ito. Kasi may stylist, iba ang pananalita, inaaral, the character is different,”  paliwanag ni Ate Vi nang tanungin kung paano siya nakumbinsing gawin ang pelikulang ito na isang family movie na ukol sa relasyon na nasira na pilit binubuong muli.

“I miss showbiz, ibang mundo ito dahil nakakasama ko ang mga dating kapamilya. Whether we like it or not, dito naman ako nanggaling, this is home for me,” banggit pa ni At Vi.

Ukol naman sa politika, sinabi ni Ate Vi na posibleng tumakbo siya sa kongreso at hindi bilang vice president. ”I may consider congress pero nothing is final. I enjoy serving the people of Batangas. It’s more on local. Kasi, given a chance siguro halimbawa na natuloy akong tumakbo sa congress kung gusto ko pang magsilbi, babalik ako sa pagka-governor,” anang Star for all Season.

Ukol naman sa umano’y napipisil siyang maging running mate o maging vice president, iginiit ni Ate Vi na,”Nagpapasalamat ako kasi tiwala ‘yan eh (pagkuha sa kanya bilang VP). Salamat sa nagtitiwala, priceless ‘yun. Ang iko-consider (bago tumakbong VP) ko eh, kaya ko ba? Dapat kaya ko at alam kong gusto ko.

“Im not prepare for that (VP). I’m not entertaining it. Walang formal talks, its all publicity, nababasa at napapanood ko lang.

“Ang nothing will change my mind kung may offer formally.

“I’m not prepared for that, it is not my ambition (to run as VP) and I’m not interested kung hindi ako naka-focus doon. Kasi kapag ganoon, hindi ako effective dahil wala ang puso ko roon. Tapos it needs sacrifice. Alam ko sarili ko kung saan ako magiging epektibo at kung kaya ko physically, mentally, emotionally.

“Hindi ako handang isakripisyo ‘yun. I don’t want to sacrifice my family. Sa totoo lang maraming magaling and prepared for that position,” mahabang paliwanag pa ni Ate Vi na natatawa at overwhelmed sa mga nababasang balita.

Sinabi pa ni Ate na, “wala akong ambisyon na ganyan. Wala akong ambisyon.

“Destiny? Paano lalabanan ang destiny? Pero ang point ko, wala akong hinihinging puting bulaklak (sign na hiningi noon bago tumakbong mayor ng Lipa) unlike before I prayed for it. Coz alam niya I’m not prepared for that.

At muli sinabi ni Ate Vi na, “No to run as Vice President. Wala naman kasing formal talks ‘yan. Sa mga nagsasabi na gusto nila ako salamat. Pero wala sa ambisyon ko ‘yan and nothing will change my mind. I’m not prepared.  I’m not entertaining it.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top