Tuesday , September 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Amazing: Robot-snake ng Tesla charger ng kotse

Amazing: Robot-snake ng Tesla charger ng kotse

081215 Robot-snake Tesla charger
NAIS n’yo bang magkaroon ng ganitong nilalang sa inyong garahe? Ang latest invention mula sa Tesla ay maaaring ‘perfectly convenient’ at ‘perfectly creepy’.

Ang robot-snake mismo ang maghahahanap sa charging port ng inyong kotse at ipa-plug ang kanyang sarili rito.

Maging si Tesla CEO and co-founder Elon Musk ay nagbiro sa Twitter kaugnay sa charger na ito.

Sinabi ni Musk nitong nakaraang taon, ang kompanya ay may binubuong charger na mukhang “solid metal snake” at idinagdag na ito ay “for realz.”

Inihayag pa ni Musk noon na ang snake-charger ay epektibo sa lahat ng Tesla cars, bagama’t kaunting mga detalye pa lamang ang ipinalalabas.

Sinabi ng kompanya sa kanilang tweet na ang charger ay prototype, kaya maaaring pagdating sa merkado ay hindi na gaanong nakasisindak.

Sa kabilang dako, kung mayroon nito sa inyong garahe, maaaring mas maigi pa ito kaysa mga bantay na aso na tataboy sa mga magnanakaw.

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top