Saturday , April 27 2024

Sekyu utas, 1 sugatan sa carjacking sa Kyusi

AGAD binawian ng buhay ang isang guwardiya ng e-games at sugatan ang isang lalaki sa insidente ng carjacking sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa mga testigo, palabas ng e-games ang lalaking kinilala bilang si Enrico Lim nang salubungin siya ng dalawang armadong lalaki.

Hinablot ng mga suspek ang clutch bag ni Lim ngunit tumanggi ang biktimang ibigay ito. Sinita ng guwardiyang si Aludio Paloran ang mga lalaki na nag-udyok sa kanilang barilin ang biktima.

Patay si Paloran habang may tama ng bala sa likod si Lim na agad isinugod sa ospital.

Natangay ng mga suspek ang puting Land Cruiser ni Lim. Hindi pa malinaw kung natangay rin ang bag ng biktima.

Pitong basyo ng M16 rifle at 9mm ang narekober sa crime scene.

About Hataw

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *