Friday , April 26 2024

Ipinagbubuntis ni Mariel, posibleng triplet pa!

060115 Mariel Rodriguez Robin Padilla

00 fact sheet reggeeNARIRITO na sa bansa si Robin Padilla at nakapag look test na siya noong Lunes para sa pelikula nila ni Maria Ozawa para sa Metro Manila Film Festival.

Napaaga ang dating si Robin mula Spain (na tine-trace ang pinagmulan ng pamilya Padilla) dahil nalaman niyang nasa ospital ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla.

Ayon sa manager ng aktor na si Betchay Vidanes,  “naunang umuwi si Mariel nang isang linggo tapos napa-aga ang dating kasi nga nasa ospital si Mariel.”

Hindi naman nagbigay ng saktong petsa si Betchay kung kailan dumating ang aktor dahil nabalitaan na lang niyang narito ito nang magpo-post ng litrato ng result ng ultrasound ng asawa.

Samantala, may update na naman sa ipinagbubuntis ni Mariel na posible raw maging triplet base na rin sa pahayag ng attending physician ng Happy Wife Happy Life host.

Tinext namin si Mariel kahapon na posibleng triplet ang dinadala niya pero sinagot lang kami ng, ”yes, I’m good thanks.”

Ibig sabihin ayaw niyang magkuwento at magpa-istorbo pa, Ateng Maricris.

FACT SHEET – Regggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *