Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Valerie, ‘di raw gusto ng mga anak ni Comm. Mison

Valerie, ‘di raw gusto ng mga anak ni Comm. Mison

 

00 SHOWBIZ ms mHANGGANG kahapon ay naghihintay kami ng kasagutan ni Valerie Concepcion ukol sa nasulat namin dito saHataw ukol sa email na natanggap namin mula sa isang [email protected]

Ang email ay ukol sa umano’y pakikipagrelasyon ni Valerie kay Immigration Commissioner Siegfred Mison. Sa email ay sinabi niyang wala siyang dapat aminin ukol sa relasyon niya kay Mison dahil kaibigan lamang daw niya ito. Nakiusap din siya sa asawa ni Mison na huwag siyang takuting idedemanda dahil malinis naman daw ang kanyang konsensiya.

Iginiit pa ni Valerie na hindi siya kabit at hindi siya kaladkaring babae.

Bagamat pinasinungalingan na ni Valerie na hindi siya ang gumawa at nagpadala ng email na iyon, marami kaming katanungang nais sana naming sagutin ng aktres/TV host. Pero wala pa rin kaming sagot na natanggap.

Sa kabilang banda, gaano katotoo ang tsikang nasagap namin nang minsang mainterbyu itong si Valerie, eh nasabi niyang hindi raw siya gusto ng mga anak ni Mison? Totoo kaya ito?

Ito rin kaya ang dahilan kung bakit tila kimi sa pagsasalita si Valerie ukol sa relasyon nila ni Mison?

Naku Valerie, paki-enlighten nga kami ukol sa usaping ito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top