Saturday , April 27 2024

300 Regal Acting Workshoppers, kinilatis ng mag-inang Roselle at Lily

 

MAHIGIT 300 aplikante para sa Regal Acting Workshop ang masusing kinilatis ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde kasama ang premyadong director na si Joey Reyes .

Labimpito ang naiwan sa kanila’t isinabak sa iba’t ibang klase ng acting workshops na pinamahalaan ng Actor’s Workshop Foundation ng Actors Guild of the Philippines na ang mga facilitator ay sina Leo Martinez, Director-actor Manny Castaneda, Joel Saracho, at Rez Cortez.

Noong Huwebes ay gumradweyt ang mga wokshopper sa Valencia Events Place na kinabibilangan nina Shine Kuk (Sun Yong Kuk), South Korean Actress at Eat Bulaga’sYou’re My Foreignay 2014 grand winner; Rolini Pineda, winner ng Miss Chinatown 2013na madalas mapagkamalang si Denice Cornejo. Kasali siya sa pelikulang No Boyfriend Since Birth bilang kapatid ni Carla Abellana. Nagmarka rin sa amin si Sisi Gonzales na mukhang may future sa showbiz, ayusin lang niya ang pagta-Tagalog.

Nandiyan din sina Fiona Yang, Jennelyn Arteta, Cherise Deslippe, at Danielle Ambagan.

Ang mga gumradweyt naman sa boys ay sina Timothy Lawrence Yap, Mr. Chinatown 2014 2nd runner up; Luke Conde, Kari Ramirez, Raphael Urbano, JM Dulaca, Jon Leo Limbo, Christian Alano, David Ambagan, Drew Magbag, at Miguel Marty.

Ilan sa mga workshopper na ito ay mapapanood sa No Boyfriend Since Birth,nnina Carla atTom Rodriguez, Pre-Nup nina Jennylyn Mercado at Sam Milby at ang 2015 Metro Manila Film Festival horror entry na Haunted Mansion nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce.

Libre ang workshop na ito ng Regal at naniniwala si Mother Lily na may lilitaw na bagongMaricel Soriano, Snooky Serna, Gabby Concepcion sa mga baguhang Regal Babies.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *