Friday , April 26 2024

Nadine, wala raw karapatang sitahin si James (Sa pakikipagmabutihan daw kay Julia…)

070715 james reid nadine lustre Julia Barretto

00 SHOWBIZ ms m“PARANG wala naman po ako sa lugar para magalit,” ito ang nasabi ni Nadine Lustre nang matanong ukol sa kumakalat na larawan nina James Reid at Julia Barretto.

“Kung mayroon naman po talaga, sasabihin niya talaga sa akin,” sambit pa ni Nadine sa presscon ng Chain Mail na mapapanood na sa July 22 handog ng Viva Films.

Sinabi pa ni Nadine na bagamat wala silang relasyon ni James, mas nais niyang manggaling mismo kay James kung totoo nga o hindi ang nababalita. Open naman daw kasi sila sa isa’t isa kaya hihintayin n’ya munang mag-open-up ang actor bago siya maniwala sa mga balitang lumalabas.

Tanging sa social media lamang daw kasi niya naririnig ang tungkol kina James at Julia. ”Naghihintay lang ako sa kanya na siya ang magsabi.”

Nilinaw pa ni Nadine na sa pamba-bash kay James siya nagagalit dahil ”Siyempre naba-bother rin po ako sa Netizens. Ayoko naman na naba-bash siya. Ayoko naman na inaaway siya.”

Ang Chain Mail ay tinatampukan din nina Meg Imperialat Shy Carlos na idinirehe ng multi-awarded director, Adolfo B. Alix Jr.. Ito’y isang suspense-thriller na umiikot sa misteryo ng pagkamatay ng ilang tao na hinihinalang pinadalhan at nakatanggap ng isang chain mail. Ang ilan sa kanila ay binalewala ito habang ang iba naman ay ipinasa sa ibang tao sa takot na balewalain ito.

Kasama rin sa cast sina Mark Bautista, AJ Muhlach, Jackie Lou Blanco, John Regala, at iba pa.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *