Friday , April 26 2024

3 nene nireyp ng amain sa Dagupan

DAGUPAN CITY – Pinayuhan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD)-Dagupan ang ina ng tatlong menor de edad na ginahasa ng kanyang live-in partner, na dalhin ang mga anak sa pangangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito’y para matiyak ang kaligtasan ng mga bata at maisailalim sila sa counseling dahil sa trauma na sinapit mula sa kamay ng kanilang amain.

Nais matiyak ng tanggapan na maayos ang kalagayan ng mga biktima lalo’t pawang mga menor de edad at may gulang na sampu, siyam at walo.

Napag-alaman, unang ginahasa ng suspek ang panganay sa magkakapatid simula noong siya’y Grade 2 pa lamang.

Ginagawa ng suspek ang panghahalay sa kanila tuwing naglalabada ang kanilang ina at wala sa kanilang bahay.

Dahil dito, nais ng panganay na biktima na mabulok sa kulungan ang suspek upang mabigyan ng hustisya ang mapait na sinapit nila ng kanyang mga kapatid.

About hataw tabloid

Check Also

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO

NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na …

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *