Saturday , April 27 2024

Without a doubt, Pokey is a wife material — Lee O’Brian

062315 pokwang Lee O’Brian

00 SHOWBIZ ms mANG haba-haba ng hair ni Pokwang dahil super sweet sa kanya at ganoon na lamang ang pagsuporta sa kanya ng Hollywood actor boyfriend na si Lee O’Brian.

Isa kasi sa participant si Pokwang sa The Open Kitchen: The Best Kept- Recipes of the Stars, the biggest and grandest celebrity food fair last Saturday na ginanap sa UP Town Center sa Katipunan at talaga namang maraming girls at beki ang nainggit sa sobrang sweetness ng dalawa. Isinali ni Pokwang ang kanyang masarap na laing at suka na nilahukan ng iba’t ibang ingredient. At sa totoo lang, isa iyon sa pinagkaguluhan ng mga mamimili.

“Actually, next week, aattend ako ng meeting sa mga friendship na negosyante na maraming alam, hihingi tayo ng impormasyon and guidance na rin,” ani Pokwang nang itanong namin kung wala ba itong balak na magtayo ng isang shop na puwedeng mabilhan talaga ng kanyang mga niluluto.

Ani Pokwang, gusto rin niyang i-export ang kanyang laing para sa mga kababayang nami-miss ang pagkaing Pinoy. “Kasi sa online, sa social media, nakikiusap sila, ‘padala mo naman dito ‘yan, baka puwede’, siyempre, sabik sila roon,” kuwento pa ni Pokwang na panaka-nakang nagbibigay ng sweet smile sa kanyang BF.

Actually, hindi lang naman ang laing ang specialty ni Pokwang na hindi pala nakahiligan ni Lee na kainin dahil ayaw daw nito ng maanghang “Ito (laing) lang ang natutukan ko kasi ‘yung mga kaibigan ko, ito madalas ang nire-request nila, hanggang sa alam mo na, kumalat na,” anang aktres. Ang suka naman ay ineksperimento nilang mag-ina dahil mahilig sila sa sawsawan.

“May mga inilalagay akong kung ano-anong kalandian,” sambit pa ni Pokwang.

First time nag-join ng food fair si Pokwang at big hit agad kaya masayang-masaya siya kahit pagod at wala pang tulog. Galing pa kasi si Pokwang sa taping ng Nathaniel at kinailangang ihanda ang mga laing na dadalhin sa naturang food fair.

At dahil magaling magluto si Pokwang, natanong namin si Lee kung ano ang paborito nito sa mga niluluto ng aktres. “There’s so many,” sagot ng Hollywood actor. “Her adobos are amazing, binakol soup, squid sisig and then the stuffed squid.”

O ‘di ba busog na busog si Lee sa masasarap na pagkaing niluluto ni Pokwang kaya kasunod ng tanong naming ay, is Pokey a wife material?

“Without a doubt,” ani Lee. “There’s potential,” dagdag pa na parang kinakantyawan ang girlfriend. At ang kasunod na tanong ay, Any plans of settling down?

“We are discussing plans, and I don’t know if we’ll finalize everything but we’re definitely interested in staying together,” giit ng aktor.

O ‘di ba naman!

Sino ang hindi hahaba ang hair?!

062315 ryan juday

Sa kabilang banda, bukod kay Pokwang ang iba pang celebrities na dumalo at nag-participate sa Open Kitchen ay ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na personal na nagluto roon ng kanilang dirty breakfast na pinilahan talaga ng kanilang fans; Angeline Quinto para sa kanyang barbeque; Maricar Reyes-Poon sa kanyang masarap na chocolate/wine cake; Vice Ganda para sa kanyang rice ganda; Priscilla Meirelles; Aiza Seguerra at Liza Dino (adobo in a jar); Anthony Taberna (Tunying’s Bread bakeshop); JC de Vera (The Burgery burger restaurant); Paul Jake Castillo (Yobob’s Lechon); Richard Yap (Luna J Restaurant), at Sam Milby (Third District coffee shop).

Congratulations sa The Clean Plate na siyang nag-organise ng food fair na ito at marami pa ang umaasang masusundan ito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *