Friday , April 26 2024

Mag-ina todas sa bagsik ng kidlat

LA UNION – Sabay na namatay ang mag-ina makaraan tamaan ng kidlat sa Bauang ng nasabing lalawigan kamakalawa.

Sa salaysay ni Manuel Bancoyo ng Brgy. Urayong ng nasabing bayan, kasalukuyan silang naghahanda ng hapunan sa kanilang kusina dakong 5 p.m. nang bumuhos ang malakas na ulan kasabay nang malalakas na kulog at kidlat.

Tumama ang kidlat sa punongkahoy sa tabi ng kusina at kumalat sa bubungan hanggang sa tumama sa biktimang si Lolita Bancoyo, 54, at anak na si Marlyn Soriano, 26.

Sugatan ang mag-ina sa kanilang ulo at dibdib na parehong itinakbo sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, pumutok ang binti ng asawa ni Marlyn na si Marfer Soriano na tinaman din ng kidlat, ngunit masuwerteng nakaligtas.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *