Saturday , April 27 2024

Prison guard ng PDEA-Bicol arestado sa droga

LEGAZPI CITY – Hinihintay na lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang resulta ng imbestigasyon ng PNP makaraan maaresto ang isa sa kanilang prison guard na nahulihan ng baril at droga sa Albay.

Ayon kay PDEA Deputy Regional Dir. Rayford Yap, nakakulong na ang kanilang kasama na si George Barizo kasama ang tatlong iba pa nang maaktohan sa bahay kung saan isinagawa ang search warrant ng Tabaco City Police Station sa Brgy. Sto. Cristo sa na-sabing lungsod.

Nakuha sa mga suspek ang anim plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at caliber 38 revolver.

Ayon kay Dir. Yap, wala silang pagdududa na sangkot sa ilegal na transaksyon ang kanilang tauhan, ngunit magsasagawa rin sila ng hiwalay na imbestigas-yon kaugnay ng insidente. Nahaharap ang prison guard sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o an Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 gayondi ang ang tatlo pang kasama niya.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *