Friday , April 26 2024

Poe vs Binay trending na sa social media

00 pulis joeyETO na!!!

Naglabasan na sa mga website ng social media ang posibleng paghaharap nina Vice President Jojo Binay at Senadora Grace Poe sa 2016 presidential election.

Ito’y matapos kausapin ni Pangulong Noynoy Aquino si Poe at ipahayag na nasa pagkatao ng Senadora ang hinahanap niya para ipagpatuloy ang kanyang nasimulang “tuwid na daan.”

Lalo pang tumindi ang paniniwala ng marami na si Poe na nga ang napili ni PNoy na maging successor nang ipahayag naman ng anak ni yumaong FPJ na lahat ng kanyang ginagawa ngayon ay inihihingi niya ng “guidance” sa Pangulo.

Kaya naman putok ngayon sa social media ang Poe vs Binay 2016. Kanino kayo?

***

Few weeks ago, nang dumikit sa latest survey ng SWS si Poe (31%) kay Binay (36%), sinabi ni Vice President na wala pang alam sa pamamahala ang Senadora. “Newbie” palang daw sa politika. Hindi katulad niya na punong-puno na ng karanasan. (Kaya punong-puno naman siya ngayon ng kasong katiwalian at under investigation pa ng Anti-Money Laundering Council na nakatuklas sa kanyang bilyones sa napakaraming bank accounts dito sa Pinas at Canada).

Sa pag-post sa mga social media ng Poe vs Binay ay umariba agad ang Senadora sa magagandang comments, habang mga brutal na komentayo naman ang inabot ng Bise Presidente.

Pero mga igan, ang mass vote ay kay VP Binay po ‘yan. Ito ‘yung mga tao na hindi tumitingin sa social media, hindi masyadong nagbabasa ng diyaryo at hindi na rin nakakapanood ng mga balita sa TV dahil busy sila sa pagtatrabaho mula umaga hanggang gabi. Sa madali’t salita ay hindi sila updated sa mga nangyayaring masamang balita ng pagnanakaw o pandarambong ng mga politiko o opisyales ng gobyerno. Ang tinatangkilik lamang ng masang maralita ay nag-aamot sa kanila ng kahit konting barya lalo sa oras ng emergency. Sapat na ito para hindi nila malimutan pag araw ng eleksyon.

Kaya nga si VP Binay, kahit batuhin nang batuhin ng putik ng kalaban sa politika ay dedma lang siya. Ang panalag niya lang ay “politika lang ‘yan.” At sa halip ay umiikot siya sa  depressed areas, sa mga probinsiya, para makipag-”boddle fight” sa palengke.

At dahil sa tuwa ng mga tao ay dedma na lang sa kanila kahit pa sabihang magnanakaw, mandarambong at ubod nang corrupt si VP Binay.

Ganyan ang masang botante sa ating bansa ng Pilipinas.

Kayo? Grace Poe o VP Binay? Txt txt txt…

Pag-freeze ng AMLC sa pera ng mga Binay…

– Mr. Venancio, the freezing of the bank deposits and other accounts has given credence to allegatios that the Binays – Jojo, former Makati Mayor; Dra. Elineta, former Makati Mayor;  Mayor Junjun, Senator Nancy and Congw. Abigail – have used their posistions to amass wealth. Imagine how much money the Binays would steal from the people if Jojo became president? – Ric ng Palawan, 09283489…

Binay pa rin!

– Joey, bakit kaya mataas ang ratings ni Grace Poe sa surveys? E hindi naman sya si Fernando Poe Jr. Tulad lang sya nila Cory Aquino, Gloria Arroyo, Loren Legarda na kalaunan mga palpak! Wala pa naman siyang nagawa sa Senado. Mga Filipino talaga mga bobo pumili ng pinuno. Joey, Binay po ako. Para mamuno sa Spratlys. – Mula Palo, Leyte, 09177215…

Smuggled products Sa UNISALE sa Tawi Tawi

– Mr. Venancio, dito sa Bongao, Tawi-Tawi, ang UNISALE Dept. Store ang isa sa mga tindahan na nagtitinda ng smuggled products from Korea, China at Thailand na syang dinadala ng foreign vessels na nakikita nating nakatambay sa laot ng Tawi Tawi. Nabibili ang products na ito sa napakamurang halaga dahil ‘di nga nakukuhanan ng tax kasi ang mga may-ari ng tindahan mismo ang pumupunta sa barko para kumuha ng products para makaiwas sa BOC at PCG. – 09279447…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *