Friday , April 26 2024

Trahedya sa Valenzuela

EDITORIAL logoKALUNOS-LUNOS ang sinapit ng 72 manggagawang namatay sa sunog sa loob ng pabrika ng Kentex sa Valenzuela City.  Karamihan sa mga biktimang manggagawa ay nakulong at hindi nagawang makalabas ng pabrika.

Tapos na ang sunog, pero maraming katanungan ang kailangang sagutin kung bakit nangyari ang sunog at kung bakit napakaraming naging biktima sa nasabing trahedya. At hindi lamang ang Department of Labor and Employment (DOLE)  at Bureau of  Fire Protection (BFP) ang kailangang magpaliwanag kundi maging ang pamahalaan ng Valenzuela City.

Isa ang Valenzuela City sa may pinakamaraming pabrika sa Metro Manila, kaya hindi malayong ang paglabag sa National Building Code at paglabag sa Fire and Safety regulations ay naging talamak.

At sa kabila umano ng paglabag sa National Building Code, paanong nabigyan ng permit ang Kentex? Kailangang meron managot sa sinapit ng mga namatay sa sunog.  Kailangang sumalang sa imbestigasyon ang DOLE, BFP, ang pa-munuan ng Valenzuela City government at ang may-ari mismo na si Veato Ang.

Hindi makapaghuhugas ng kamay si Valenzuala City Mayor Rex Gatchalian kung walang tunay na katarungang makakamit ang mga manggagawang namatay sa loob ng pabrika ng Kentex. 

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *