Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald, nanay daw ang turing kay Janice

Gerald, nanay daw ang turing kay Janice

ni Roldan Castro

042115 maja gerald janice

NILINIS na ni Gerald Anderson ang pangalan ni Janice De Belen at iginiit na wala silang relasyon. Nanay ang turing niya sa aktres.

“Hindi ko nga alam kung papatulan ba natin ‘yan. Nakakahiya naman, nakakahiya sa pamilya ni Ate Janice. Tinext ko nga siya, tinanong ko kung okay siya. Kasi napakawalang kuwenta naman ng issue na ‘yan. Ayoko nang pahabain pa, basta sana tigilan na kasi nakakahiya sa ibang tao. Ako na lang ang i-bash, huwag na silang mandamay ng ibang tao,” deklara niya.

Idiniin pa ni Gerald na nanay ang turing niya kay Janice at hindi naman naapektuhan ang friendship nila at intact pa rin ang friendship nila.

Sinabi rin ni Gerald na work muna ang focus niya at nakatuon ang atensiyon sa pagba-basketball at pagwo-work out.

Rest muna raw siya sa lovelife dahil hindi naman daw madali ang pinagdaanan nila ni Maja Salvador.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top