Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sequel ng That Thing Called Tadhana, tinatrabaho na

Sequel ng That Thing Called Tadhana, tinatrabaho na

ni Alex Brosas

020915 Angelica JM

TIYAK na marami ang matutuwa kapag nalaman nilang posibleng magkaroon ng sequel ang That Thing Called Tadhana.

Mismong ang Cinema One Originals head na si Ronald Arguelles ang nagsabing tinatrabaho na nila ang follow-up movie nina Angelica Panganiban and JM de Guzman.

“We are very much pressured. Kahit si Charo (Santos-Concio) sinasabi na gawa tayo ng bagong ‘Tadhana.’ But I don’t think we could duplicate ’yung ganoong klaseng success. Siguro madu-duplicate namin or we could do bigger if we do a sequel na lang,” chika ni Ronald sa Labor Day outdoor screening ng nasabing movie kasama ang Shift ni Yeng Constantino at Hollywood film na Begin Again sa The Fields, Nuvali.

Sinabi ni Ronald na medyo matatagalan ang sequel dahil busy pa ang director na si Antoniette Jadaone.

“I think mayroon na siyang naiisip, hindi ko pa lang nakikita kung nagawa na niya ang script kasi si Tonette ang daming naka-line-up na gagawin niya. We will produce it but hindi siya for competition. It would be a special project of Cinema One,” he said.

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top