Saturday , April 27 2024

Pacman fan naglaslas ng tiyan (Nadesmaya sa talo)

FRONTTACLOBAN CITY – Isang boxing fanatic ang naglaslas sa kanyang tiyan nang madesmaya sa naging resulta ng Mayweather-Pacquiao fight.

Kinilala ang biktimang si Pablo Pabilona, Jr., 30-anyos, at residente ng Brgy. Bagsa, Paranas, Samar.

Ayon sa pamilya ng biktima, umaga pa lamang kamakalawa ay nakipag-inoman na si Pabilona sa kanyang mga kapitbahay at nang malamang talo si Pacquiao ay biglang nagbago ang mood.

Hanggang sumapit ang 8 p.m. umuwi ang biktima ngunit pagkaraan ay natagpuang may laslas na ang tiyan at lumabas na ang kanyang lamang-loob.

Agad siyang dinala sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

Ayon sa kaibigang nagdala sa ospital, desperado ang biktima dahil natalo ang kanyang idolo kaya nilaslas ang sariling tiyan.

Kritikal ang kalagayan ng biktima at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.

Obrero tinarakan ng kapustahan (Sa Pac-May fight)

SUGATAN ang isang obrero makaraan saksakin ng kanyang kapustahan sa labanang Pacquiao-Mayweather nang hindi magkabayaran kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Patuloy na ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang kinilalang si Vergel Varela, 31, ng Barron St., Brgy. North Bay Boulevard ng nasabing lungsod.

Habang pinaghahanap ang suspek na si Don-Don Dalingay, 36, ng R-10, ng nasabing barangay, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat nina PO3 Allan Joey Ogatia III, PO2 Allan Bangayan, at PO2 Exequiel Sangco, dakong 9:20 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Dumating ang suspek sa lugar at sinisingil ang perang napanalunan sa pakikipagpustahan sa laban nina Pacquiao at Mayweather ngunit walang maibigay ang biktima dahilan upang sila ay magkasagutan.

Hanggang bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *