Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Wild Wild West umentado

Wild Wild West umentado

00 rektaMas umentado ang naipakitang panalo ng kabayong si Wild Wild West na nirendahan ni jockey Dunoy Raquel Jr. sa kanilang huling takbo nitong nagdaang Lunes sa pista ng SLLP.

Sa salida ay nauna kaagad sila sa lundagan, subalit hinayaan muna ni Dunoy na kapitan ng bahagya ang kanyang renda. Pagdating sa medya milya ay hiningan ulit ni Dunoy ang kanyang sakay at agaran namang nagresponde si Wild Wild West, kaya nakuha nilang muli ang harapan kay Rivers Of Gold.

Pagsungaw sa rektahan ay walang anuman na lumayo na sila sa mga kalaban hanggang sa makarating sa meta. Naorasan si Wild Wild West ng umentadong tiyempo na 1:28.6 (13-24’-25-26) para sa distansiyang 1,400 meters, na mas matulin sa naitala niyang 1:30.2 (13-24-25’-27’) noong Abril a-singko sa parehong distansiya at pista.

Masusubukan natin siya kapag naisabay na siya sa mas malalakas na laban sa susunod.

 

ni Fred L. Magno

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top