Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagiging OA ni Sharon, kinaiinisan sa social media

Pagiging OA ni Sharon, kinaiinisan sa social media

ni Alex Brosas

031115 Sharon Cuneta 2

MARAMI pala ang na-OA-n kay Sharon Cuneta last weekend kaya naman naging trending topic siya sa Twitter.

Marami ang nakapansin sa recent episode ng isang reality search sa Dos na OA na OA ang dating ng Megastar habang nagdya-judge. Puro raw ito tawa, parang hindi na raw ito natural.

Asar na asar ang mga tao sa social media kaya naman puro nega ang reaction nila sa isang website where it was posted.

READ MORE:  Alden, iniwan ni Maine para sa Cold Play

“ang diko gets kay sharon,mga comments nya e kesyo gayang gaya,pero scoring 1pt lang bibigay nya. plus,tawa ng tawa OA nga tlaga!” say ng isang guy.

“Korek! pag si megabody na ang magsasalita kitang.kita na sabik na sabik at uhaw na uhaw sa moment. Super thank you pa sya sa twitter dahil high ratings, naku please hindi dahil sayo ano? kundi dahil sa mga effort at nakakatuwang performances ng mga contestants. Nakakailang tingnan ang sandamukal nyang fez and body sa screen! Oh my ma.am charo why did you take her in again???” mataray na comment naman ng isa pa.

READ MORE:  Sarah sa June 12, 2020 ikakasal

“Yung patawa tawa niya kasi kahit wala namang nakakatawa, too distracting. Sa edad niya, you would think, she would have matured pero di pa rin. I guess kaya siya OA, over the years, she was surrounded by indulgent people and also enablers, who always give her what she wants to hear rather than what she needs to hear. Kaya kala niya, iyong kilos niyang ganyan, yung pa-cute at bungisngis ay okay lang,” may sense na sabi naman ng isa pa.

READ MORE:  Problema ni Badjao girl, sosolusyonan ni Kuya

Depensa naman ng maka-Sharon, ”C’mon guys. Mababaw lang ang kaligayahan ni ate Shawie. Pati ba naman yun ay big deal? wala ba kayong friends na oa din makatawa? yung tipong bago magsalita natatawa na ng bongga?”

Ano naman kaya ang reaction ni Ate Shawie rito?

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved