Friday , April 26 2024

Mariel, parang baliw pa rin sa tuwing naaalala ang nawalang anak

 

031715 Mariel Rodriguez robin

00 fact sheet reggeeSOBRANG saya ni Mariel Rodriguez-Padilla na mapasama siya sa ikalawang yugto ng Happy Wife, Happy Life sa TV5 dahil akma ang personalidad niya rito.

Malaking tulong ang Happy Wife, Happy Life kay Mariel para tuluyan na siyang makapag-move on sa pagkawala ng panganay sana nila ni Robin Padilla.

Sa presscon, kasama sina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris ay nakuwento ng misis ni Binoe ang mga nangyari sa kanya.

“Ganoon ako kamahal ni God. Kasi, ayaw ni God na matagal akong mag-dwell doon sa pinagdaraanan ko.

“Gusto Niya agad na makapag-move on ako. And he gave me this project that will serve as my new baby.

“So for me, this show is helping me a lot. Kasi, bagay sa akin itong show, akong-ako. Kaya tuwang-tuwa si Robin for me dahil sa show na ‘to.

“This show really helped me a lot. It’s sort of, hindi naman siya second chance, pero binig­yan niya ako ng sigla ulit. Totoo po ‘yon. So, I’m really very grateful.”

At dahil nga nawala ang baby nila ni Robin ay natanong si Mariel kung plano ba nilang sundan kaagad, “bawal ang chorva. Isang buwan lang,” natawang say ng happy wife ni Robin.

“Ganoon talaga na after mong magpa-raspa, kailangan munang mag-rest.

“Pero sabi nila, baka it will be better pa. For me, sa totoo lang, never akong nawalan ng hope. So, we’ll see,” pahayag pa.

Pero hindi itinanggi ni Mariel na umiiyak pa rin siya kapag naalala niya, “may mga times na kunwari, okay ako today, tapos may makikita ako (makapagpapaalala sa nawalang anak), malulungkot ako, iiyak na naman ako, parang baliw.

“Tapos minsan, okay ako, biglang makakakita ako ng mayroong nanganganak sa TV, iiyak ako. Tapos, kasi bumili na ako ng mga baby clothe, nakita ko ‘yung mga baby clothe, iyak na naman ako.”

Bale ba bago niya nalamang nakunan siya ay naramdaman na niya ito dahil nakakita siya ng paro-parong lilipad-lipad sa bahay nila.

”Kasi there was a butterfly. Nagkaroon ng butterfly sa loob ng bahay, eh, super-sarado naman ang bahay namin.

“‘Tapos sabi ko, ‘Bakit nagkaroon ng ganito rito? Bakit nagkaroon ng butterfly sa house?’

”Na-video-han ko pa. Alam mo, the day after that, doon ako mag-start mag-bleed.

“Pero alam mo ‘yung hindi naman ako naniniwala sa mga pamahiin, sabi ni Robin parang nagbaba-bye na ‘yung baby.

“Siyempre, cry ako noon. Pero after niyon, slowly ko na siyang natanggap.”

At ang katwiran ng TV host sa tanong namin kung bakit inabot pa ng ilang araw bago niya ipatanggal ang dugong naiwan.

“Kasi umaasa ako na baka magkaroon ng miracle, mabuhay at saka magbi-bleed lang naman din ako, lalabas din ‘yun,” say niya.

At sa mga bumatikos kay Mariel dahil nga ibinase sa post nito sa Instagram na pati pag-iyak niya ay nakunan at naka-pose pa.

“A, wala naman akong masasabi. Bahala sila sa gusto nilang gawin. Ako rin, bahala ako sa gusto kong gawin. Bahala tayong lahat.

“Si Robin kasi, kinukunan niya lahat. Si Robin talaga ‘yun.

“Pero yung moments, lahat kina-capture ko.

“Kasi we really want to document, para when the baby comes, gusto ko may album siya,” katwiran pa ni Mariel.

Noong nagbakasyon siya sa Amerika ay nag-alaga raw si Mariel ng baby ng kapatid niya at doon daw niya naramdaman na handa na siyang maging ina kaya pagdating niya ng Pilipinas (hindi nakasama si Robin sa Amerika) ay binanggit nga niyang, “I am ready na.”

At inamin din ng happy wife ni Robin na talagang gumagamit sila ng safe sex kaya hindi siya nabuntis sa ilang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.

 

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *