Friday , April 26 2024

Mukha ba akong gurang?!… I’m so fresh! — Ruffa to Annabelle

ni Roldan Castro

032715 Annabelle Ruffa

HANGGA’T maaari, ayaw pag-usapan ni Ruffa Gutierrez ang boyfriend niyang si Jordan Mouyal dahil baka mag-react na naman ang kanyang Mommy (Annabelle Rama). Pero itinuturing niyang best relationship ang sa kanila as of today.

Pinupuna rin ni Tita Annabelle na laging may dalang computer ang bf.

“Si Mommy kasi, hindi niya naiintindihan ang IT na trabaho. He’s an engineer. As long as you have a computer. Lagi raw may bitbit na computer , hellooo!! ‘Yun ang trabaho niya. Baka akala niya, nagpi-PlayStation lang! Dyusko, ‘day!,” bulalas niya nang makatsikahan namin siya kamakailan.

Nag-react din si Ruffa sa sinabi ng kanyang mommy na maghahanap din si Jordan ng ka-age niya.

“Paano niya alam? Manghuhula ba siya? My God! The French don’t care! At saka bakit, mukha ba akong gurang?! Hellooo!! I’m so fresh!,” sey pa ni Ruffa.

‘Yun na!

120314 DEREK RAMSAY

DEREK, BALIK-STAR CINEMA; 3 PELIKULA IKAKASA NA

BONGGA talaga si Derek Ramsay dahil balik-Star Cinema na siya. Balitang tatlong pelikula ang gagawin niya sa movie outfit ng Kapamilya. Una ay angCrocodile Hunter under CineBro film na sister-company ng Star Cinema. Pangalawa ay ang Chemistry with Kris Aquino at Eugene Domingo.

Pero true ba na ang pangatlong project ay kasama niya si Coleen Garcia? Nagulat lang kami dahil ang sinasabi ng aming source ay Ex with Benefits ang gagawin nila? ‘Di ba nag-start na ang shooting ni Coleen with Sam Milby at Meg Imperial? May tsika na na-hold ang shooting nito.

Nasaan ba si Sam ngayon? Parang nasa bakasyon yata siya at nasa US? Bakit napapabalitang teleserye na ang gagawin niya? Napunta na ba kay Derek ang role ni Sam?

Just asking. Paki-clear nga!

melissa mendez

ALAPAAP, IRE-REMAKE DAHIL KAY MELISSA

HINDI kami magugulat ‘pag ma-spoof ang eksena sa eroplano ni Melissa Mendez sa mga gag show gaya ng Banana Split: Extra Scoop, Banana Nite,Goin’ Bulilit atbp.. Interesting ang kaganapan sa kanila at ang kuwento sa ulap.

Kahit sa social media ay pinaglalaruan na rin ang nasabing insidente.

May showbiz joke nga na ire-remake na ang pelikulang Alapaap starring Melissa,AndrewWolff, at introducing daw si Rey Pamaran.

Puwede rin daw i-remake ang pelikulang Bakit Manipis Ang Ulap?

Kahit sa Instagram Account ni Aubrey Miles ay bina-bash siyang umeepal, laos at sawsawera dahil sa post niyang, ”Leaving Davao. I requested for window seat but where’s the window? Ha!ha!ha! Awww. I won’t able to see the clouds. Hayyy 3rd time na ito promise but it’s okey itutulog ko na lang…”

Sumagot naman si Denisse Oca, anak ni Melissa ng, ”Shucks babe gusto mo rin ng clouds! Ako rin eh! Pay extra na lang next me for reserved seating like I told my mom.”

“Yes I agree there’s nothing wrong with it. Please don’t harass her for having a little rumor. She’s not naman insulting my mom. Even ako I admitted na it’s just clouds. Every time you find humor in a difficult situation, you win. Chill out guys.”

Tsuk!

121014 marlo janella

OH MY G! MAY FANS DAY SA MARCH 29

HAVEY talaga si Janella Salvador sa serye niyang Oh My G! kaya naman magkakaroon siya ng first grand fans day and birthday celebration sa March 29, 5:00 p.m. sa Trinoma Activity Area kasama si Marlo Mortel at ilang special guests.

Patuloy na gumaganda ang story ng Oh My G! lalo na ngayong nasa mga Luna na nakatira si Sophie (Janella) after niyang malaman na naisanla sa casino ng tito at tita niya ang bahay nila.

Talbog!

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *