Friday , April 26 2024

Inday Bote at Yamishita’s Treasures parehong patok sa TV viewers at nag-number 1 sa ratings game

Alex Matteo Kean coco julia

00 vongga chika peterPareho naming napanood ang pilot episode ng dalawang bagong show ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na Inday Bote na nag-premiere telecast last March 16 at nag-pilot noong Linggo, March 22 na Yamishita’s Treasures sa “Wansapanataym.”

Kay Alonzo Muhlach na gumaganap bilang cute na duwendeng si Entoy sa Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga as Inday nakasentro ang istorya sa unang araw ng palabas nito. Dahil sa husay ng portrayal ni Alonzo, marami talaga siyang naaliw at napatawa sa mga eksena niya sa fantasy-drama serye nila ni Alex.

Maraming viewers at netizens ang puring-puri ngayon ang nasabing child actor na binansagang bagong child wonder ng industriya. Tuwang-tuwa rin ang lahat ng madlang pipol sa takbo ng kuwento ng Inday Bote na hindi na lang matatawa kundi maiiyak rin lalo na sa pagdaraan ng karakter ni Inday na hirap sa buhay, na para mabuhay lang ang pamil-yang kinalakhan ay nangangalap ng bote at diyaryo.

Uy, ang guguwapo pa ng dalawang leading men dito ni Inday na sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano. Dahil pasok sa panlasa ng mga manononood ang Inday Bote, ay very impressive ang ratings ng kanilang pilot week. Humamig ng 18.4% ang initial telecast nito noong Lunes base sa datos ng Kantar Media National Ratings at mas tumaas pa sa mga sumunod na araw.

Kaya Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol ating samahan ang super kikay na si Inday kasama ng mga kaibigang duwende sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.

Grabe, sobrang nakahahahanga rin ang Yamishita’s Treasures nina Coco Martin bilang si Yami at Julia Montes as Tanya sa bagong epi-sode ng # 1 Storybook ng Pamilyang Pilipino na “WANSAPANATAYM.”

Nang mapanood namin ng aming kids last Sunday, animo’y isang malaking fantasy movie ang aming wina-watch dahil sobrang ganda talaga ng production design nito at nagmukha talagang kaharian ng Encantasia ang set na kinabibi-langan ng Diwatang si Tanya. Obyus na hindi tinipid ng Dreamscape ni Sir Deo ang production cost nito kaya lumabas na makatotohanan ang mga eksena.

Sa kuwento ay galit si Yami sa panloloko ng ama sa kanyang ina. Kaya bata pa lang ay ipinangako na ni Yami sa kanyang nanay na kahit kailan ay hindi siya lalapit o hihingi ng tulong sa mayamang ama na ang trabaho ay pagte-treasure. Malapit sa mga bata si Yami, kahit konti lang ang pera ay pinapakain niya ang mga kaibi-gang bata at mahal na mahal ang kanyang step brother na si Alonzo Muhlach na nasa kanyang pangangalaga. Dahil sa hawak na kalahating mapa para sa mga nakatagong yaman sa gubat ay kinukumbinsi ni Ryan Bang si Yami na hanapin na nila pero tila hindi seryoso at hindi naniniwala ang binata sa nasabing mapa na nakuha niya sa kanyang daddy. Si Tanya naman ay pumasok sa mundo ng mga lupa sa kagustohang mailigtas sa kapahamakan ang kanyang lolong hari na si Eddie Garcia. Ayaw man siyang payagan ng kanyang inang si Bing Loyzaga ay itinuloy pa rin ng nasabing Diwata na pumunta sa lupa para hanapin din ang kalahating mapa na matagal na nilang hinahanap sa kanilang kaharian. Kasama ni Tanya ang kapwa diwatang kaibi-gan na si Marlann Flores sa pakikipagsapalaran sa mundo ng mga tao na aksidente na silang nagtagpo ni Yami sa gubat dahil sa pagkakahulog ng kapatid na si Alonzo sa bangin at tinulu-ngan siya nina Tanya at Marlann. Niyaya ni Yami na sumama sa kanyang bahay ang magkaibigan at tila na-inlab agad ang binata sa magandang diwata.

Dahil maraming viewers ang tumutok noong Linggo sa Yamishita’s Treasures ay nag-number one sila sa mga Sunday show ng Kapamilya network at kalabang estasyon sa rating na 27.4%. Ito ay base pa rin sa datos ng Kantar Media: National Ratings. Napapanood tuwing Linggo sa ganap na 6:45 ng hapon ang WANSAPANATAYM Presents: Yamishita’s Treasures mula sa panulat ng popular author na si Noreen Capili at Joel Mercado at sa ilalim ng mala-pelikulang direksi-yon ni Avel Sunpongco.

Abangan ang pakikibaka nina Yami at Tanya laban sa mga kaaway at ang kanilang love story na tiyak na kakikiligan niyong lahat.

Pustahan tayo gyud!

 

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *