Friday , April 26 2024

Joed Serrano, bilib kay Alex Gonzaga! (Kaya ipinag-prodyus ng concert sa Araneta Coliseum)

032015 Joed Serrano Alex Gonzaga

00 Alam mo na NonieTIWALA si Joed Serrano sa kakayahan ni Alex Gonzaga bilang entertainer kaya niya ito ipinagprodyus ng concert sa Araneta Colisuem. Ayon kay Joed, nakuha ni Alex ang atensiyon niya nang minsang napanood niya ito sa ASAP.

“I am a businessman, of course hindi ko naman siguro ipo-produce si Alex ng concert if I dont find it worthy, hindi ba?

“Actually, the truth is, I was just watching ASAP, then na-kita ko ang segment na Karaoke na siya ang bida. Nakuha niya ang attention ko at pati mga co-stars niya sa show ay pinapanood siya, instead na pumunta sa dressing room nila.

“Kaya ako na-convince na puwede, same rin ng kay Vice Ganda noon while I was watching Showtime,” esplika ni Joed.

Dagdag pa ng dating actor at dating member ng That’s Entertainment ni Kuya Germs, “Bilib ako lay Alex ‘coz she can sing, dance, act, host, and write a book.

“Wen I produced Vice dati sa first Araneta concert niya, hindi pa man lang siya regular ng ABS CBN. Unlike Alex na nagbida na sa Pure Love at contract star na ng ABS when I offered them this Araneta.”

Si Joed ang producer ng concert ni Alex sa Araneta Coliseum sa April 25 na pinamagatang AG From the East: The Unexpected Concert. Ayon kay Alex, dream come true ang tsansang ibinigay sa kanya rito.

“Expect the unexpected. That is the expectation. Opening pa lang namin, I’m sure it’s very unexpected and it might raise eyebrows not only in Philippine showbiz, but also in the Philippine government.

“Gusto ko naman pong umawit, mag-perform. Alam nyo naman po ako, alagad ako ng sining. Kung ano ang hinihingi ng sining, ibibigay ko po. So ito po ang hinihiling nila sa akin sa pagkakataong ito, ibibigay ko,” pabirong saad ni Alex.

Samantala, sinabi pa ni Joed na masaya siya sa sales ng concert ni Alex na so far ay nakaka-tatlong milyon na raw.

“As of this time na wala pang promo ay nasa 3M na ticket sales ni Alex.

“Napakadaming singers o mga sumikat na artista na dapat nakapag-Araneta, kaso walang sumugal kaya nalipasan ng panahon,” saad pa ni Joed.

Posible bang mag-guest si Viuce sa concert ni Alex?

“Yes, kasi magkaibigan naman sina Vice at Alex.”

Ngayon ko lang nalaman na si Joed pala ay isang matinding concert producer. Kabilang sa mga na-produce niya dati ay ang dalawang concert ni Vice Ganda sa Araneta, Ate Gay sa MOA na napuno nang husto.

Si Joed din ang producer ng Gangnam Psy in Manila noong Feb 16, 2013 at Jonas Brothers in Manila last Oct. 19, 2012.

Isa pa sa aabangan sa concert na produce niya ay ang The Showboys sa June 20 (Father’s Day).

“Iyong The Showboys ay binubuo nina Vhong Navarro, Billy Crawform, Kuya Kim Atienza, Ryan Bang, Jugs & Teddy, Jhong Hilario at Eruption.

“Ang Showboyz kuwela ito, ang kulet niyan at malupet,” nakatawang sabi pa ni Joed.

Ang iba pang concert na produce niya ay ang Michael Learns To Rock sa September, BNAKED sa June 20, Matinee Idol sa Araneta sa Aug. 12, at sa October naman ay sina James Ingram at Patti Austin.

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *