Saturday , April 27 2024

NCAA cheerleading competition ngayon

ni James Ty III

031015 ncaa

NAKATAKDANG gawin ngayong hapon ang Cheerleading Competition ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang kompetisyon sa ala-una ng hapon kung saan magpapakitang-gilas ang sampung mga kolehiyo sa cheerleading sa pangunguna ng defending champion na University of Perpetual Help System Dalta.

Llamado ang Perpetual dahil kagagaling lang ito sa pagsali ng National Cheerleading Championships kung saan tumapos ito sa ikatlong puwesto.

Gagawin din ang pag-turn-over ng pagiging punong abala ng NCAA mula Jose Rizal U sa Mapua, kasama na rito ang pagbibigay ng general championship trophy at pagbibigay-kilala sa mga kolehiyong nagkampeon sa mga events tulad ng San Beda College sa men’s basketball at Arellano University sa women’s football.

Mapapanood ang NCAA Cheerleading nang live sa TV5.

About hataw tabloid

Check Also

1st CNES Chess Tournament

1st CNES Chess tourney sa Mayo 11 na

Manila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the crop …

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *