Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rayver, nagagandahan at naa-attract kay Julia

Rayver, nagagandahan at naa-attract kay Julia

ni ROLDAN CASTRO

030315 Rayver Cruz Julia Barretto

MAY bagong napupusuan ba ngayon si Rayver Cruz? Balitang exclusively dating ngayon sila ni Julia Barretto. Kahit sa social media ay pinagpipistahan ang kumalat nilang picture na magkasama.

”Napag-usapan nga namin ni Julia ‘yan, natatawa nga kami kasi super close ako sa family niya and after ng London Barrio Fiesta naging close ako sa kanya at sa mama niya tapos pagkabalik namin naging super close ako sa family niya,” paliwanag ng actor.

“’Yung picture na ‘yun kinuhanan kami lang pero kasama ko buong family, alam mo ‘yun, kaya nakatutuwa at saka whether si Julia o ibang babae, kilala niyo naman ako, honest ako. Kapag niligawan ko ‘yung isang tao o gusto ko sasabihin ko naman,” bulalas pa niya.

Kung may pagkakataon, liligawan ba niya si Julia? Matitipuhan ba niya?

“I find her very attractive at honestly sobrang ganda niya. Sinasabi ko naman ‘yun harapan. Sino ba namang tao ang hindi magkakagusto sa kanya o magkaka-crush pero kasi at this point in time ang dami niya pang pwedeng gawin, wala naman siyang time,” sey niya.

Hindi raw siya sure kung gusto ni Julia na mag-entertain ngayon ng suitors. Masaya lang siya na super close ito sa kanya.

Eh, di wow!

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top