Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, binantaang sasabuyan ng kumukulong mantika

Nadine, binantaang sasabuyan ng kumukulong mantika

 

ni Alex Brosas

083014 kathniel jadine

PALALA nang palala ang fans, ha.

Mayroong self-confessed KathNiel fan ang nagbanta kay Nadine Lustre.

“PREMIERE NG PSHR. PUPUNTA AKO DI DAHIL PARA MAKI CELEB. KUNDI PARA SABUYAN NG KUMUKULONG MANTIKA SI NADINE. HA HA. I SWEAR,” post ng isang Lysa Esmael na lumabas sa isang popular blog.

Ang PSHR ay ang Para Sa Hopeless Romantic movie nina James Reid at Nadine Lustre.

With that, inulan ng nasty comments ang self-confessed KathNiel fan.

“Di ko nga maimagine na may mga tao pala na nakikipag away para sa isang artista nakaka shock tlga na may mga taong ganyan. Die-hard sa kabaduyan!” sabi ng isang guy.

“What can u expect with a jeje fan.. Very unethical! Sorry but this disgust me! People like this is so disgusting! I cnt believe there are like them.. Maybe they act like this cause maybe their idol told them?? Just guessing,” say naman ng isa pa.

Nagbigay ng suggestion ang isang commenter na magpasuri sa doctor ang fan.

“Sana malaman ng mga magulang niya ang mga pinaggagagawa niya para ipatingin sya sa psychiatrist. She needs professional help. I never inquired, mahal din ba sa Pilipinas ang mga psych? In the US, the chipipay ones are like $200 an hour for follow up visits, mas mahal ang initial fees.”

Mayroon namang nagduda kung KathNiel fan nga ang hitad.

“Sure ba kaung KN fan yan? Madaling sabihin na “KN fan ako blah blah blah…”. Maraming ganyan, masiraan lng ang KNs.”

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top