Sunday , February 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 100 ginahasa sa pekeng clinical study sa Japan

100 ginahasa sa pekeng clinical study sa Japan

Kinalap ni Tracy Cabrera

111114 rape

DINAKIP ng lokal na pulis ang isang lalaki na sinasabing nagdroga at gumahasa sa mahigit 100 kababaihan na pinaniwala niyang lalahok sila sa isang medical study sa isang clinic sa Chiba, Japan.

Sa inisyal na report ng mga awtoridad, maraming babae mula sa iba’t ibang lugar ang tumugon sa mga advertisement na naghahanap ng mga volunteer para sa “clinical research na magsusukat sa blood pressure habang natutulog” sa loob ng dalawang taon hanggang Nobyembre 2013.

Pinaniniwalaang binigyan ng suspek na si Hideyuki Noguchi, 54, ang mga lumahok na kababaihan ng mga sedative, o pampatulog, matapos mahimok na pumunta sila sa mga hotel at hot spring resort ara lumahok sa nasabing pag-aaral.

Sa sandaling nawalan na ng malay ang mga babae, doon na sila ginagahasa ni Noguchi habang idinodokumento sa video ang bawat isang krimen.

Ang footage ng video ay inilagay din sa Internet o ibinenta sa mga producer ng porn films, na sinasabing nagbigay sa suspek ng kitang umaabot sa 10 milyong yen (US$85,000).

 

 

 

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top