Friday , April 26 2024

Sandamakmak na nga ba ang ‘ill-gotten’ o ‘hidden wealth’ ng anak ni Mang Badong? (Attn: Ombudsman)

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI yata alam o hindi yata naririnig ni Immigration Commissioner Mison na halos panghimagas na siya ng mga empleyado sa BI sa umaga at tanghali, sa hapunan at maging sa mga coffee shop.

At ‘yan ay dahil daw sa kanyang hindi ‘maipaliwanag na kayamanan’ na lumabas sa isang pahayagan last week.

Hindi maipaliwanag dahil hindi sila sigurado kung deklarado ba ang lahat ng mga iyan sa iyong Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), Commissioner Miswa ‘este Mison.

Paki-check na nga itong madalas nating marinig sa mga taga-Immigration Justice Secretary Leila De Lima, Internal Revenue Commissioner Kim Henares at Madam Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ayon sa EXPOSE ng isang kolumnista, ibang klase talaga ang lifestyle ni Commissioner Mison.

Tatlo umano ang bagong sasakyan ni Mison na kung minsan ay sabay-sabay pang ipinaparada sa Immigration main office gaya ng 2014 Toyota Landcruiser, 2013 Hyundai Starex at 2015 edition na Toyota Hilux pick-up.

Hindi pwedeng ipagkaila ni Mison ‘yan dahil maraming BI employees ang nakikita siya na gamit ang mga luxury vehicle na ‘yan.

Bukod sa mga sasakyan na ‘yan, mayroon din umanong malawak na kabukiran (farm) si Mison sa Tagaytay at sa Bataan.

Gaya rin pala siya ni Vice President Jejomar Binay na mahilig mag-farming!?

Ang mga alagang hayop ni Commissioner Mison sa kanyang farm ay kakaiba dahil imported lahat gaya ng baka, tupa at usa.

Kakaiba ka pala talaga, Commissioner, mahilig ka pa pala sa mga imported na animals.

Totoo rin ba na bagman ‘este mali’ trusted man mo ang isang Russel Manguiat na Alien Control Office ng Batangas Sub-port?!

Iyang si Russel umano ang nakaaalam kung paano mo nasungkit ang iyong napakalaking farm sa Tagaytay.

Napakasuwerte mo naman Sir Fred!

By the way, may kumakalat na tsismis na mayroon pang bagong-bagong bahay sa Acropolis – isang posh subdivision sa QC si Mison.

Kung hindi rin tayo nagkakamali, very vocal ka raw sa iyong inner circle na plano mong tumakbo bilang kongresista sa Bataan.

Aba, kung may political ambition ka Mr. Commissioner, dapat ka nang mag-ipon ng maraming kuwarta at mag-resign ka na rin sa BI para hindi ka maparatangan na nagfa-fund raising?!

Pero kung totoo ‘yang mga kuwentohan na ‘yan at hindi mo naideklara sa iyong SALN, aba Commissioner, mukhang may kailangan ka talagang ipaliwanag sa Ombudsman.

Hindi ba’t minsan ka nang naireklamo sa Ombudsman dahil sa DISHONESTY? Buti na lang at “REPRIMAND” lang ang ipinataw sa iyo.

‘Pinagalitan’ ka lang ng Ombudsman dahil sa DISHONESTY na maging ‘yung gamit ninyong gasolina sa inyong household at parking fee ay naka-charge sa iyong opisina?!

Suwerte mo naman, Commissioner at napagsabihan ka lang ng Ombudsman, kung hindi ay hindi ka na nakaupong Immigration Commissioner.

Ni hindi man lang ba ipinaalala sa iyo ni Daddy ang: “Section I, Article XI of the 1987 Constitution provides that “public officers must, at all times be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and lead modest lives.”

At ‘yung Section 4 of Republic Act 6713, or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, also provides that “public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.”

Tsk tsk tsk…

Kung hindi mo naisasabuhay ang mga batas na ‘yan, Commissioner Fred bilang public servant, tiyak na magagalit sa iyo si Mang Badong!

Ano nga ‘yung sinasabi mong: “good guys in, bad guys out”!?

Pwe!!!

Mga kontraktor sinusuba nga ba ng Parañaque LGU?

NOONG una ‘e pinagdududahan natin ang mga reklamong natatanggap natin sa text, sa email at phone call.

Pero nang ilang kontraktor na ang nakakausap natin at pirmis ang kanilang pagsusumbong na sila ay hindi nakasisingil sa Parañaque local government ‘e wala nang dahilan para hindi natin sila paniwalaan.

Ang una nilang reklamo, ang dami nilang pinagdaraanan bago makakuha ng project sa Parañaque.

Para raw kasing ang daming nakikialam at parang ang daming gustong sila lang ang kumita at ‘yung namumuhunan ‘e ngumanga na lang.

Kapag nakakuha naman ng proyekto kaila-ngan muna ng ID (hindi po identification ang ibig sabihin n’yan). ID as in, initial down payment para sa goodwill daw ng isang ‘bossing.’ Hindi lang natin alam kung sinong bossing ‘yan.

Kaya ibig sabihin, hindi pa kumikita ‘yung kontraktor, natatalbusan na.

Ito ngayon ang siste kapag singilan na, ang dami nang hinahanap na papeles o dokumento, o kaya naman ang daming papipirmahin. Ang daming dahilan, kesyo hinihintay pa raw matapos ang bayaran ng RPT.

What the fact!?

Parang gusto lahat ng opisina sa Parañaque LGU e puntahan ng kontraktor at magpapirma isa-isa.

‘E napakamahal umano ng ‘PIRMA’ sa Parañaque, baka mas mahal pa raw sa Department of Budget and Management (DBM).

Anak ng tokwa, oo!

Kakarampot na nga kikitain ng kontraktor, mauubos pa kakapapirma.

Tsk tsk tsk…

Ganyan pala ang siste ngayon sa Parañaque, Mayor Edwin Olivarez?

E hindi na tayo nagtataka kung bakit tinapalan lang ng aspalto ‘yung ilang kalsada sa Multinational Village pero santambak naman ang tarpaulin ni Yorme ‘tapal’ Olivarez. Noong panahon ni Mayor Jun Bernabe, kilo-kilometrong kalsada ang ipinasesemento, ngayon kakapiranggot na kalye, aspalto pa.

Mayor Edwin, pakisabi naman sa mga bata mo, ‘wag puro bulsa, magserbisyo naman nang tunay at totoo.

Bayaran n’yo rin ‘yung mga kontraktor ninyong feeling nila nasusuba na sila. Nagbabayad din daw sila sa Meralco, nagpapakain ng pamilya, nagpapaaral ng anak at nagpapasuweldo ng mga tao.

Sabi pa ng mga kontraktor, paikutin n’yo raw ang pera huwag patigilin sa bulsa.

Hik hik hik…

Bulok na trapo si Bongbong?

SANA hindi na nagsasalita ang mga Marcos tungkol doon sa mga street people na dinala sa Batangas, kasi baka nakakalimutan ni Bongbong na noong panahon ng tatay niya, tuwing may darating na bisita, pinalalagyan ng pader ng nanay niya ang lugar ng mahihirap, gaya sa Paco at Pandacan sa Quirino Highway, lalo na roon sa Parañaque at Pasay na malapit sa Airport. ‘Yung mga miyembro ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) na naghihintay kay Pope Paul VI sa Tondo Foreshore ipinataboy niya sa mga pulis at Metrocom. Noong hindi magpunta si Noynoy sa pagsalubong sa Fallen 44, nagpunta siya sa Villamor para makiramay ba ‘yun? O para umepal lang?! Bilib pa naman ako kasi nagpapaka-low profile siya, akala ko totoong naglo-low profile, naghahanap lang pala ng timing. Isa pa rin pala siyang TRAPO, bulok na TRAPO.

+639174193 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *