Friday , April 26 2024

Sa bentahan ng album, Sarah et al kinabog ni Kathryn Bernardo

010515 Sarah Geronimo kathryn bernardo

00 vongga chika peterBUKOD sa jampacked ang lahat ng mall show na ginawa ni Kathryn Bernardo sa SM Malls in connection with the promo of her first self-titled album Kathryn Bernardo, pagdating sa sales ay kinakabog pa niya ngayon sina Sarah Geronimo at iba pang local and foreign artists.

Base sa lists ng Odyssey Music & Videos para sa kanilang Top Albums release late 2014, nasa No. 2 spot ang album ni Kathryn na carrier single ang revival niya ng “Mr. DJ” ni Sharon Cuneta na patok na patok ngayon sa young generations. Inilampaso nang husto ng Teen Queen (Kathryn) ang kare-release na album ni Sarah na “Perfectly Imperpect” under Viva Records na nasa pang No. 10 o huling puwesto sa top 10 sales album. Nangunguna naman si Taylor Swift, Dareen Espanto na nasa No. 3 spot, No. 4 ang One Direction, No. 5 – Seconds of Summer, No. 6 – Jose Mari Chan, No.7 – “Gimme 5 Gimme 5,” at pang No. 9 na si Ed Sheeran.

Matatandaang may ilang netizens na bumatikos sa pagiging recording artist ni Kathryn at lahat sila ay napahiya sa huge success ng album ng Kapamilya young actress. As of presstime dahil mas dinumog pa ay nasa No. 1 position na ang album ng kalabtim ni Daniel Padilla.

Belattt na lang sa inyong lahat gyud!

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *