Saturday , April 27 2024

Joma Sison umaasa sa pulong kay PNoy

Jose Maria SisonUMAASA si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na matutuloy ang kanilang pagkikita ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na isa sa itinuturing na malaking hudyat para sa pagsisimula ng usaping pangkapayapaan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

Sa pahayag na ipinadala ni Sison sa isang national newspaper, sinabi ng CPP founder, posibleng matuloy ang kanilang pagkikita ni Pangulong Aquino kapag mayroon nang substantive agreement at magkakaroon nang makabuluhang resulta hinggil sa planong pagbabalik sa negotiating table ng dalawang panig. Bilang halimbawa nito ang isinagawang secret meeting ni Pangulong Aquino kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief Murad Ebrahim na naging hudyat sa pagsisimula sa usaping pangkapayaan ng gobyerno at MILF.

Magugunita, una nang plinano ang isang pagpupulong ng pangulo at ni Sison noong 2012 makaraan ang matagumpay na pagpupulong kay MILF chief Murad noong 2011 sa Tokyo, Japan.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *