Saturday , April 27 2024

‘Bente-bente’ sa pilahan ng non-Accre taxi sa NAIA T3 tuloy!

121314 airport taxiTULOY-TULOY pa rin ang ‘bente-bente scheme’ sa tinaguriang pilahan ng mga non-accredited taxi sa Departure Curbside ng NAIA Terminal 3 na umano’y sinasamantala ng ilang guwardiya na nakatalaga rito na pinaniniwalaang may ‘basbas’ umano ng ilang tiwaling Airport Police Department personnel.

Ilang taxi driver ng mga ‘puti’ at ‘outside colors’ na taxi cabs ang umamin na ‘tinatarahan’ sila ng P20.00 ng nagsisilbing sekyu na nagbabantay sa pilahan ng mga non-accredited taxis.

Idinaraing ng outsiders taxi drivers, na kapag hindi sila umano nagbigay ng ‘bente pesos’ ay ‘di sila pinapapasok sa pila at sa halip ay pinalalayas pa.

Nang minsang pamanmanan natin ang nasabing sumbong, nasaksihan ng ating ‘itinanim’ na tiktik na totoo ngang may nagaganap na iregularidad, na sapol ng ating impormante ang pagtanggap ng pera ng sekyu sa bawat pinapapasok niyang taxi sa naka-barikadang pilahan.

Ang masakit nito, kahit na napakahaba ng pila ng mga pasahero ay walang paki ang mga nakatalagang security guards kung walang pumapasok na non-accredited taxi.

Basta ang kanilang ipinatutupad na patakaran ay: “No Bente, No Entry!”

Sonabagan!!!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *