Friday , April 26 2024

PNP chief hihirit ng TRO sa CA (Sa preventive suspension)

091914 purisimaBALAK ng kampo ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima na humirit ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay sa ibinabang kautusan ng Office of the Ombudsman na anim buwan preventive suspension dahil sa maanomalyang kontrata na pinasok ng PNP sa isang Courier services na nagde-deliver ng gun licenses sa gun owners sa buong bansa.

Ayon kay PNP PIO, Chief Supt. Wilben Mayor, nakatakdang maghain ng TRO ang PNP chief sa Court of Appeals (CA).

Giit ni Mayor, sakaling pumabor sa panig ni Purisima ang inihaing TRO, mananatili pa rin sa kanyang posisyon ang PNP chief ngunit magpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa nasabing anomalya.

“The best legal remedy is to avail of a TRO kasama ito ang iba pang PNP officials na sangkot sa nasabing anomalya”, pahayag ni Mayor.

Una rito, ipinag-utos ng Ombusdman na isuspinde si Purisima kasama ang ilan pang PNP officials, dahil sa pagkakasangkot sa P100-million contract sa Werfast Documentation Agency.

Habang nasa official travel si Purisima na nagtungo sa Kingdom of Saudi Arabia, si Deputy Director General Leonardo Espina ang itinalagang officer-in-charge sa 150,000-strong PNP organization, ngunit hanggang ngayong araw lamang, Disyembre 9, ang pagiging OIC ni Espina.

Ayon kay Mayor, sa ngayon ay wala pang abiso ang Department of Interior and Local Government sa kung sino ang itatalagang OIC.

Nitong Biyernes, bumalik na ng bansa ang PNP chief at itinanggi ang kanyang pagkakasangkot sa nasabing maanomalyang kontrata.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *