Friday , April 26 2024

Christian, posibleng ma-in-love sa babaeng may anak na

091615 christian bautista

00 fact sheet reggeeINAMIN ni Christian Bautista na maski hindi siya ang main artist sa Sunday All Stars ngGMA 7 ay kuntento siya sa exposure niya.

Pero hindi niya itinanggi na noong medyo bata pa siya ay iniisip niya kung ilang beses ang exposure niya.

“Noong bata pa, aminado ako na ganoon ako mag-isip, parang bakit ako ganito, bakit ganyan, eh, may nag-explain lang sa akin, una, na pana-panahon, pangalawa, itong shows reacts to who you are and what you’re doing, how are you with the staff, how are you with your fans, how are you with your label, anong ginagawa mong bago, anong project ang ginagawa mo.

“Kapag mayroon kang ginagawa, magre-reflect ‘yun, darami ang linya mo, darami ang kanta mo, posible na ang dami mong ginagawa, so ganoon lang talaga, paikot-ikot lang.

“Kung may panahon ba na walang nangyari sa akin, may panahon bang na-insecure ako, mayroon, pero hindi ko (ninega), ginawa ko na trabaho-trabaho ulit hangga’t makarating ulit (sikat).

“Nai-insecure ako kapag ‘yung mga kantang inilalabas ko, e, walang bumibili, marami namang ganyan, hindi lang ina-admit,” nakangiting pagtatapat ni Christian.

Nakuwento rin ng singer na dumating din daw ‘yung panahong nagtataka siya kung bakit sa isang production number na hindi siya ang unang kakanta o huling kakanta, pero ngayon natututo na siya.

“May panahon na hindi ko naman birthday bakit ako magpapahuli (kumanta), suportahan na lang. Pero kung birthday ko, eh, dapat ako ang huli, pero kung number naman ito at kasabayan mo sina sir Janno (Gibbs), mam Jaya, respeto, sila ang nauna sa akin, eh, kaya dapat respect,”paliwanag mabuti ng binatang singer.

Samantala, sa edad 33 ay nanatiling loveless si Christian samantalang bago pa siya tumuntong ng 30 ay nabanggit niyang mag-aasawa siya kapag umabot na siya rito.

“My ideal age to get married before is 30, pero hindi nasunod kasi 33 na ako at still single,”nangiting saad ng singer.

Handa naman daw ng mag-asawa si Christian at nagbiro pa nga na anytime ay okay sa kanya.

At dahil wala namang girlfriend si Ian (palayaw ni Christian) ay natanong kung posibleng magkaroon muna siya ng anak bago magpakasal.

“Well, I follow the teachings of my parents has taught me, church has taught me so kanya-kanya naman ‘yan ‘di ba, your own set of views in the world. My view is to follow that what my parents has taught me,” katwiran ng binata.

Tinanong namin paano kung sakaling may nangyari sa kanila ng girl na may nabuo at ayaw pang magpakasal.

“Hindi mo mapipilit ‘yun, eh, so kung may mabuo at hindi pa ready ‘yung babae, irerespeto ko siya, pero sana ‘yung anak, ipaglalaban ko na pareho kaming may rights. Ako right to see, mayroon kasing ibang babae, ayaw ‘yung anak, pero iba gusto,” paliwanag ni Christian.

Open din ang mang-aawit na posible siyang ma-in love sa babaeng may anak na.

“Yes, I will be willing to marry her, kasi it’s not fair na kapag nagkamali siya or ako, eh, itataboy mo na lang. So may responsibilidad ka roon at nangyayari ‘yun to some friends of mine whether in the industry or not or whether together or not, ‘yung anak, eh, tinutulungan pa rin.

“Daming kuwento like Jennylyn (Mercado) and Patrick Garcia, ngayon okay na, ring bearer na nga (kasal ni Patrick sa magiging asawa niya),” pangangatwiran sa amin.

Sa kabilang banda, aminado ang binatang singer na minsan daw ay naiingit na siya sa mga kaibigang nag-asawa na tulad ni Karylle na idine-date niya noon na asawa na ngayon ni Yael Yuzon.

“Sorry ha (sabi sa amin kasi nga boto kami sa kanilang dalawa),” natawang sabi ni Christian.

“Ang ganda ng kanta namin (Karylle), ‘After All’,” dugtong pa.

Isa pang naugnay kay Christian ay si Rachel Ann Go na wala ring karelasyon ngayon, kaya posible bang may reconciliation?

Nagustuhan namin ang duet nina Christian at Rachel sa Soundtrack album ng binata na The Way Were mula sa Universal Record.

“Hanggang ngayon magkaibigan kami, hindi naman malungkot na kanta, eh. Kasi it’s the laughter you remember so it’s a bitter sweet (song). Okay kami ni Rachel, friends pa rin.

“Possibility for reconciliation? Tingnan natin, pero sa ngayon, walang plan kasi wala lang,”diretsong sabi ng singer.

Dadalawin naman ni Christian sina Rachel Ann at Mark Bautista sa London dahil magbabakasyon siyar oon mula Enero 1 hanggang 15.

Inamin din ni Christian na kung may dumating na tamang role para sa kanya ay gusto rin niyang subukan ang mapasama sa musical play sa ibang bansa.

“Kaya dapat mag-aral na akong sumayaw talaga para maging ready. So kung gusto ko talaga ng international career, kailangan karerin ko ang pagsayaw talaga. Hindi naman ini-expect na maging Gary V or Billy Crawford, pero ‘yung confidence lang,” pahayag pa ng binata.

 

ni Reggee Bonoan

 

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *