Saturday , April 27 2024

Binay-Trillanes debate kasado na – KBP

111014 binay trillanesTINIYAK ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na tuloy ang debate nina Vice President Jejomar Binay at Senador Antonio Trillanes IV sa Nobyembre 27.

Sinabi ni KBP Chairperson Ruperto “Jun” Nicdao, planstado na ang lahat para sa debate.

“All systems go tayo sa debate dahil lahat ng detalye na isine-settle pa between the two camps mukhang na-resolve na lahat. The method or the conduct of the debate, naayos na. Kung ano ‘yung mga propositions na pagdedebatehan, naayos na rin. ‘Yung venue, naayos na rin.”

Binanggit ni Nicdao na sa Philippine International Convention Center (PICC) gaganapin ang debate. Magsisimula ito ng 10 a.m. at inaasahang matatapos ng tanghali.

Makaraan ang debate, magsasagawa ng press conference ang magkabilang kampo ngunit hindi magkasabay.

Binanggit din ni Nicdao na imbitado ang lahat ng mga miyembro ng KBP. May mga inimbita rin taga-academe at business community.

Sa Martes, ani Nicdao, target nilang makipag-ugnayan muli kina Binay at Trillanes para mapirmahan na ang rules ng debate.

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *