Saturday , December 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dyowa, hipag utas sa tarak ng selosong kelot

Dyowa, hipag utas sa tarak ng selosong kelot

PATAY ang magkapatid na babae makaraan pagsasaksakin ng live-in partner ng isa sa kanila dahil sa selos kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kapwa hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang mga biktimang sina Sheryl Alcovendas, 32, at Sharon, 30, residente ng Sto. Niño St., Administration Site, Brgy. 186, Tala ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Umabot sa 70 street children ang nirescue ng mga...

Agad naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Jose Cambusa, Jr., 41, naninirahan din sa naturang lugar, mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, naganap ang insidente dakong 10 p.m. sa bahay ng pamilya.

READ MORE:  P1-Bilyon environmental fees sa Boracay saan napunta?

Kadarating lamang ng biktimang si Sheryl sa kanilang bahay nang bigla siyang komprontahin ng suspek dahil sa hinalang may kinatatagpo siyang ibang lalaki.

Bunsod nito, mainitan silang nagtalo hanggang dumampot ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak si She-ryl.

READ MORE:  Transparency sa BoC ipinatupad ni Biazon

Bagama’t sugatan ay nakahingi ng tulong si Sheryl sa kanyang kapatid na si Sharon.

Inawat ni Sharon ang suspek ngunit maging siya ay inundayan din ng saksak ng suspek.

Rommel Sales

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved