Friday , April 26 2024

Bahay ng tserman niratrat 1 patay, 2 sugatan

BUTUAN CITY – Isa ang patay habang dalawa ang sugatan nang pagbabarilin ang bahay ng kapitan sa Brgy. San Lorenzo, bayan ng Prosperidad sa lalawigan ng Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Insp. Felomino Muñoz, ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagkakasugat ni Kapitan Alejandro Dumagit at anak na si Elyjean, habang namatay ang isa pa niyang anak na si Aldrin, 19, pawang ng Purok 5 ng Brgy. San Lorenzo.

Dagdag pa ng opisyal, tatlong bahay ang nirapido ng tinatayang pitong armadong lalaki ngunit ang bahay ni Kapitan Alejandro Dumagit ang maraming tama ng bala kung kaya’t pinaghihinalaang ito talaga ang target ng strafing incident.

Gumamit ng M16 armalite rifles batay sa narekober na basyo, ang mga suspek na mabilis na tumakas sa bukiring bahagi ng naturang lugar.

 

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *