Thursday , April 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin, kapuri-puri ang kababaang-loob

Coco Martin, kapuri-puri ang kababaang-loob

101014 coco martin

00 Alam mo na NonieBUKOD sa galing ni Coco Martin bilang aktor, marami ang sumaludo at pumupuri sa ipinakita niyang kababaang loob nang humingi siya ng paumanhin sa iba’t ibang women’s group kabilang na ang Gabriela, na na-offend dahil sa fashion show na The Naked Truth sa segment dito ng aktor na The Animal Within Me.

May kinalaman ito sa fashion show na ipinakitang rumampa si Coco na may dalang babaeng foreigner na nakatali na animo isang alagang hayop.

Isa kami sa naniniwalang hindi naman talaga dapat humingi ng apology si Coco dahil ang konsepto ng pagrampa niya ay bilang isang lion tamer or circus master at imbes na leon ang dala niya, isang seksing babaeng nakatali ang kasama niyang rumampa.

Of course ay understandable ito, alangan namang tunay na leon ang dalhin doon. Kung nagkataon, hindi lang mga audience ang nalapa, si Coco muna ang unang papapakin ng leon kung tunay ang gagamitin nila sa naturang fashion show.

Anyway, dahil nga may mga grupong na-offend, ang dapat talagang humingi ng paumanhin ay ang nag-conceptualize ng show at ang may ari ng Bench.

Back to Coco, sa ipinatawag na presscon ay humingi nga ng dispensa ang aktor. ”Kailangan kong humingi ng dispensa o paumanhin sa lahat ng mga taong concerned at sa lahat ng mga kababaihang naapakan ko. Humihingi po talaga ako ng dispensa sa aking nagawang pagkakamali. Sabi ko nga, sa isyung ito, inaako ko. Kumbaga, ako iyong nagkaroon ng pagkukulang o pagkakamali sa nangyari rito.

“Kaya sana po, sa lahat ng aking nasaktan at naapakan, sana po, mapatawad ninyo ako.”

Ayon pa sa Kapamilya star, na-depress daw siya nang lumabas ang isyu ukol sa pagrampa niya sa The Naked Truth. “Noong lumabas ang isyu, honestly na-depress ako. Naaawa sa akin ang lahat ng mga katrabaho ko, kasi nakikita po nila na parang ang bigat-bigat ng loob ko kapag nagtatrabaho ako.”

Inamin din ng bituin ng Ikaw Lamang ng ABS CBN na na-overlook niya ang sitwasyon dahil sa lahat daw ng rumampa, siya talaga ang balot na balot.

“Alam ko sa sarili ko, buong akala ko ay wala akong ginagawang masama. Wala akong inaapakang tao, wala akong ginagawang mali. Iyon po ang tingin ko sa mga panahon na ginagawa ko ang Bench fashion show.

“Sa paningin ko ay wala akong ginagawang mali. Kasi, halos lahat yata ng rumampa roon na artista, ako yata ang balot na balot. Siguro hindi ko nakita iyong malalim na aspeto. Mayroon akong napabayaan at mayroon akong pagkukulang.

“Unang-una, laki ako sa lola ko, may nanay ako, may mga kapatid ako, at iyong concern ko sa mga tao. Sabi ko nga, bakit sa rami niyon, bakit ko napabayaan ang anggulong iyon? Bakit hindi ko siya nakita, na nakakaapak na pala ako ng pagkatao, lalong-lalo na sa mga kababaihan?” bulalas pa ng award winning actor.

Umani naman ng papuri sa mga netizen ang ginawang ito ng aktor. Majority ng reaction ng netizens sa social media ay paghanga at papuri kay Coco. Ang ilan sa mga pahayag ng netizens sa social media ay: humble as ever. go go coco! we love you more Coco .. hindi naman talaga need na ikaw ang umako at mag sorry .. pero ikaw pa rin ang nagpapakumbaba .. it only shows how humble you are .. keep it up .. just do what you think is right .. nandito lang kami to support you …

Lalo akong humanga sa pagkatao ng lalaking ito.

I admire you more than before. Ang galing nyo sa ikaw lamang

Nice move Coco, thank you!

Sa panig naman ng mga kinatawan ng women’s group, tinanggap nila ang paghingi ng paumanhin ni Coco.

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top