Friday , April 26 2024

2 utas, 21 timbog sa drug raid sa Biñan

101014 drug raid dead
PATAY ang dalawang lalaki habang 21 ang naaresto sa magkasunod na drug raid sa Biñan, Laguna kamakalawa.

Kinilala ng Biñan Police ang dalawang napatay na sina Mario Garfin at Rodelio Evangelista, kapwa miyembro ng Pogi Gang, isang kilabot na hitman group.

Ayon sa ulat, pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis na sumalakay kaya ginantihan sila.

Narekober sa mga suspek ang isang automatic Ingram at improvised de-sabog na ginamit sa pamamaril.

Ang dalawang napatay ang itinuturong maintainer ng sinalakay na drug den sa Purok Tramo, Brgy. Canlalay, na kinaarestohan ng siyam kalalakihan habang nagsasagawa ng pot session sa isang barong-barong.

Umabot sa 12 katao ang naaresto sa sumunod na pagsalakay sa Purok Almazora Riles na nakompiskahan ng shabu at ilang drug paraphernalia. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *