Saturday , April 27 2024

Kailan iimbestigahan ang mag-asawang Corres? (Paging: SoJ Leila de Lima)

00 Bulabugin jerry yap jsyMaraming empleyado sa Bureau of Immigration (BI) main office ang nagsasabi na balewala raw ang ginagawa nating pagbatikos sa mag-asawang Albert & Janice Corres matapos nating i-expose’ ang mga nangyayaring milagro diyan sa BI-Angeles Field Office.

Sa dami na rin ng ating ibinulgar, hanggang ngayon ay dedma at ni wala man lang daw kahit isang imbestigasyon na naganap. Ito ngayon ang nagsilbing takot at alinlangan sa mga IO at iba pang empleyado ng BI-Angeles para ibulgar pa ang kanilang nalalaman tungkol sa dalawang aswang ‘este’ mag-asawang ito.

May ugali raw kasi si Albert Corex ‘este’ Corres na direktang tumatawag sa isang opisyal ng bureau kapag nabubulilyaso ang kanyang transaksyon partikular diyan sa DMIA.

Hindi ba’t siya rin ang nagpahamak kay Immigration Supervisor Karen Gandamra at IO Usman Abinal matapos i-offload ng dalawa ang mga pasaherong si Corex ‘este’ Corres?!

Direktang tumawag daw si Albert Corres sa isang BI official gamit ang kanyang cellphone at kung ano-anong kwentong kutsero ang kanyang isinumbong na naging dahilan para makasuhan ang dalawang nabanggit na empleyado.

Ganyan ang style bulok ni Albert Corex este’ Corres kaya ganyan na lang ang takot sa kanya ngayon ng mga naka-duty diyan sa DMIA kapag nalalaman nila na may pasahero na naman ang kumag!

Knowing naman lahat sa Immigration, na paboritong call-a-friend si Corres kapag gusto nilang magbakasyon sa Fontana casino & resort.

Since mukhang wala naman tayong aasahang reaksyon, bakit hindi natin subukan na tawagan ang atensyon ni Madam SOJ Leila Delima at baka sakaling maaksyonan na ang mga kaaliwaswasan ni Albert Corres diyan sa Angeles City.

Hon. SOJ De Lima, baka naman po pwedeng pakiimbestigahan ang mga pinaggagagawa ng mag-asawa diyan sa BI-Angeles and DMIA?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *